Slaughter nagkaroon ng minor ankle injury
MANILA, Philippines — Hindi pa man naaprubahan ang kanyang papeles upang makapaglaro bilang local ay nadagdagan na naman ang sakit ng ulo ni seven-foot center Greg Slaughter.
Ito ay dahil sa minor ankle injury na natamo niya noong Miyerkules sa 104-98 panalo ng Barangay Ginebra kontra sa NorthPort sa 2018 PBA Governors’ Cup.
“Right now, it’s still really painful. We’ll see after a couple of days,” ani Slaughter na dumalo sa ensayo ng koponan kamakalawa ng gabi sa Meralco Gym na may suot na brace sa kaliwang sakong. “It was really unlucky but I’m still doing everything I can to get back.”
Para naman kay coach Yeng Guiao, nilinaw niyang hindi seryoso ang pilay ni Slaughter na inaasahan niyang makakabalik na sa ensayo nila matapos ang ilang araw na pahinga.
Maging 100 porsyento man ang paggaling, nangako si Slaughter na ilalaro ito dahil matagal na niyang hinihintay ang pagkakataong makabalik sa national team.
“I really wanted to not be as bad as it is right now because I’ve really been looking forward to this opportunity, I’m really excited. Right now, it’s all about trying to get my ability to run and jump,” sabi ng Ginebra giant.
- Latest