^

PM Sports

Olympian na si Lariba natalo sa laban sa leukemia

Chris Co - Pang-masa
Olympian na si Lariba natalo sa laban sa leukemia
Ian Lariba

MANILA, Philippines — Matapos ang ma­ta­gumpay na kampanya sa 18th Asian Games sa Indonesia, isang malungkot na balita ang sumalubong sa sports community sa pagpanaw ni Olympian Ian Lariba.

Nagluluksa ang buong komunidad sa pag­lisan ni Lariba na kauna-unahang Pinay athlete na nakapag­laro sa table tennis competition ng Olympic Games noong 2016 sa Rio de Janeiro, Brazil.

Tinulungan ni Lariba ang De La Salle University na masungkit ang tat­long kampeonato sa UAAP at nakapagbulsa rin ng tatlong UAAP MVP awards.

Itinanghal siyang UA­AP Athlete of the Year noong Season 77 at Season 78.

Ngunit higit na nag­ningning ang pangalan ni Lariba nang magku­walipika siya sa 2016 Rio Olympics.

Ilang buwan matapos ang kanyang kampanya sa Rio Games ay natukla­san siyang may acute mye­loid leukemia at sumailalim sa iba’t ibang proseso gaya ng chemotherapy.

Nalungkot ang Inter­national Table Tennis Federation – ang world go­verning body ng sport – sa pagpanaw ni Lariba at agad na nagpaabot ng pa­kikiramay.

Kaliwa’t kanan rin ang mensahe mula sa iba’t ibang atleta at orga­nisasyon kabilang na ang pamunuan ng UAAP at ang mga nakasama nito sa Rio Olympics gaya ni Olympic silver medalist at Asian Games champion Hidilyn Diaz.

“We already know she was undefeated in her five years in the UAAP. We already know she was Athlete of the Year not once but twice on top of multiple MVP awards. But she was a student first and was a consistent dean’s lister,” ayon sa statement ng UAAP.

Mahigit isang taon ring nakipaglaban ang 23-anyos na si Lariba sa sa­kit na leukemia bago tu­luyang mamaalam no­ong Linggo ng gabi.

IAN LARIBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with