Guiao taas-noo sa naging kampanya ng Nationals
JAKARTA — Sampung araw na ensayo lang ang nagawa ni coach Yeng Guiao para ihanda ang “Gilastopainters’ na hindi pa kasama ang Fil-Am NBA player na si Jordan Clarkson para sa Asian Games kaya marami ang hindi naniwala sa kakayahan nila.
Muntik pang hindi makalaro ang Cleveland Cavaliers player na hindi na naisalang sa unang laro ng Phl Team na binubuo ng anim na players ng Rain or Shine na sina Chris Tiu, Gabe Norwood, Maverick Ahanmisi, James Yap, Beau Belga at Raymond Almazan, kasama sina Chris Standhardinger, Stanley Pringle, Paul Lee, Poy Erram at ang naging reserve player si Don Trollano.
“I thought it was a no win situation, I thought we were setting ourselves up to fail but I was wrong,” ang proud na pahayag ni Guiao. “I was deadwrong. These guys made a commitment they played their hearts out and I have no regrets. I’ll do this again in a heartbeat.”
Nabigong mag-uwi ng medalya ang koponang ito na ora-oradang binuo kumpara sa teams ng ibang bansa na taon nang magkakasamang nag-training para sa Asiad, ngunit ang kanilang tinapos na pang-limang puwesto ay ipinagmamalaki ng marami kung ikukunsidera ang lahat ng kanilang pinagdaanan.
Ilang araw na lang bago ang Asian Games ay inihayag ng PBA ang pagpapadala ng team at si Guiao, ang anim na taong coach ng Elasto Painters bago lumipat ng NLEX, bilang coach ng koponang malugod na sinuportahan ng Rain Or Shine kapalit ng original team ng Gilas Pilipinas na may 10 players na sinuspindi ng FIBA gayundin ang head coach na si Chot Reyes.
Ngunit wala pang 24 oras ay nagdesisyong umatras ang Samahang Basketbol ng Pilipinas sa pagsali sa Asian Games na binatikos ng marami.
Dahil sa negatibong reaksiyon ng mga tao sa naging desisyon ng SBP, nagdesisyon uli ang mga opisyal na sumali sa Asiad, ngunit mula sa mas magaang sanang Pool A ay napunta ang Gilas sa mas mahirap na Pool A kung saan nakasama nila ang mga bigating China at Kazakhstan.
Muntik pang hindi makalaro si Clarkson dahil noong una ay ayaw siyang payagan ng NBA na kinailangang gawan ng paraan ng mga opisyal.
Isang araw bago ang unang laro ng Gilas ay pumayag ang NBA at agad-agad lumipad patungong Jakarta si Clarkson na dumating sa huling bahagi ng laro gayunpaman ay nagtala ang Gilas ng impresibong 96-59 panalo sa Kazakhstan.
Ilang araw lamang nakasama ng koponan sa ensayo si Clarkson bago harapin ang bigating China gayunpaman ay napahirapan nila ito bago isuko ang laro sa 80-82.
Sa likod ng presensiya ni Clarkson, hindi pa rin lumusot ang Gilas sa Korea, 81-92.
Ngunit kahit hindi na pang medalya ang laban ay nagpakita pa rin ng impresibong laro si Clarkson at ang buong koponan nang kanilang pagbalingan ng sama ng loob ang Japan,** at ang Syria para sa kanilang pinakamagandang pagtatapos na maaaring gawin.
“We’d like to thank Jordan Clarkson ang his group for giving us this opportunity, “ ani Guiao. “Marami siyang napasayang Pilipino, ipinakita niya ‘yung pagka-Pilipino niya, ‘yung commitment niya sa bansa,” sabi ni Guiao
Hindi rin naman nakalimutang magpasalamat ni Clarkson.
“I’m blessed with an opportunity to play in this Asian games. Everybody competed. I’ts been a great experience just being here to support my country and the flag,” ani Jordan na agad bumalik ng America para sa training camp ng Cleveland. “Thanks to everybody supporting us all the way through.”
- Latest