^

PM Sports

Philippine men’s soft tennis team lalaban sa quarterfinals

Pang-masa

PALEMBANG—Winalis ng Pilipinas ang dalawang laro laban sa Laos, 2-1, at Pakistan, 2-1, para ku­n­in ang isang quarterfinal ticket sa men’s team event ng 18th Asian Games soft tennis competition kahapon dito sa Jakabaring Sports City Courts.

 

Sa likod nina Joseph Arcilla, nakababatang kapatid ni dating national lawn tennis player Johnny Arcilla, at Mark Anthony Alcoseba at Noel Damian Jr. ay tinalo ng mga Pinoy netters ang mga Laotians at Pakistanis sa Group A.

Nakatakdang harapin ng Nationals ang mga Koreans ka­hapon at ang panalo ang magdadala sa kanila sa semifinal round.

Ang kabiguan naman ang magtatakda sa laban ng mga Pinoy at Taiwanese sa round-of-eight ngayon.

Samantala, yumukod naman ang Philippine wo­men’s squad sa kompetisyon matapos makalasap ng parehong 0-3 ka­biguan sa China at Chinese-Taipei, ayon sa pagka­kasunod.

ASIAN GAMES

SOFT TENNIS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with