^

PM Sports

Didal gustong baguhin ang pananaw sa skaters

Mae Balbuena-Villena - Pang-masa

JAKARTA — Sino ang mag-aakala na ang isa sa mga hinuhuli-huli ng mga pulis na mga ba­tang nag-i-skateboard sa kalye sa Cebu ay maka­ka­pagbigay pala ng kara­ngalan para sa bansa sa kanyang pagkapanalo ng gold medal dito sa 18th Asian Games?

Salamat sa mga hu­mu­huli noong mga pulis sa grupo ng 19-gulang na si Margielyn Didal, mas lalo siyang na­ging de­terminado, na­diskubre at ngayon ay isa nang ba­yani ng Pinas ma­tapos makopo ang ika­apat na gold medal ng Pinas sa wo­men’s street skate­boar­ding competition sa Pa­lembang.

Hiling ni Didal na ma­bago ang tingin ng tao sa mga skateboarders at magkaroon ng maraming skateboard parks sa Pilipinas.

“Lagi kaming hinaha­bol ng pulis, bawal kami pumasok sa mall na may dalang skateboard,” kuwento ni Didal, anak ng isang karpintero at tinde­ra ng “kwek-kwek” sa Con­cave Skate Park sa La­hug, Cebu City kung saan siya nadiskubre ni coach Danny Gutierrez pitong taon na ang nakakaraan.

“Malaking karangalan po na mag-iba ang pa­ningin ng tao sa ska­ters. Na­bigyan ng boses ang skateboard. Gusto ko ring maipakita na skateboar­ding is a serious sport but can also be fun as well,” ani Didal, na­katakda sanang umuwi kahapon ngunit mana­na­­tili siya hanggang closing ceremonies bukas dahil siya ang itinalagang flag bearer ng Philippine de­le­gation.

ASIAN GAMES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with