^

PM Sports

Petecio, Bacho sibak agad sa pagsisimula ng boxing competition

Mae Balbuena-Villena - Pang-masa
Petecio, Bacho sibak agad sa pagsisimula ng boxing competition
JAKARTA -- Isang right hook ang binitawan ni Pinay boxer Nesthy Petecio laban kay Junhua Yin ng China.
PM photo ni Joey Mendoza

JAKARTA — Dalawang boxers kaagad ang nasibak sa pagsisimula ng kampanya ng 8-man Pinoy pugs kamakalawa sa boxing competition ng 18th Asian Games.

Unang nasibak si Joel Bacho sa kanyang 1-4 ka­biguan kontra kay Iranian Sajjad Kazemzadeh Poshtiri sa round-of-32 ng men’s welterweight di­vision bago ang hindi ka­tanggap-tanggap na 2-3 split decision loss ni Nes­thy Petecio kontra kay Junhua Yin ng China bagama’t paborito itong manalo bilang defending champion at two-time Olympic silver medalists.

“Kahit ako nakita ko sa laro, panalo po talaga ako. Kahit ‘yung crowd, pa­ti ‘yung mga nakaka­sa­lubong ko, panalo daw po talaga ako,” ani Pe­tecio. “Na­kakasama po talaga ng loob dahil pa­ngarap ko talaga ‘to (manalo ng gold sa Asian Games) para sa pamilya ko, para sa bayan. Nalulungkot ako, masakit po tala­ga pe­ro hindi  na po ma­ba­bago.”

Minsan nang napatumba ni Petecio ang nakalaban sa kanilang naunang sagupaan sa isang torneo sa Russia.

“Lahat na ng daya gi­­nawa niya sa akin, gra­be ang holding niya sa akin, nire-wrestling na ni­ya ako. Halatang takot talaga siya sa akin. Ina­abangan niya ‘yung ma­lakas na suntok ko,” kuwento pa ni Petecio.

Sinabi ni Association of Boxing Alliances of the Philippines secretary-general Ed Piczon ang mga boxing officials ng  Asian Games na aniya ay nangako ng  fair competition.

“Protests are not allowed but I will appeal that the judges responsi­ble for this travesty not be assigned to officiate in the coming Philippine fights as judges or referees. I think that is fair,” ani Piczon.

Lalaban pa sina SEA Games gold medalists Fe­lix Marcial, Carlo Pa­alam, James Palicte, Irish Magno, Rogen Ladon at Mario Fernandez.

 

vuukle comment

BOXING COMPETITION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with