May tsansa sa medalya sa pencak
JAKARTA—Umabante si Cherry May Regalado sa medal round ng form event ng pencak silat sa 18th Asian Games.
Ito ay matapos siyang tumabla sa second spot kasama si Vuong Thi Binh ng Vietnam sa magkatulad nilang 447 points sa Group A ng women’s single preliminary round.
Si Vilaysack Tunee ng Laos ang namuno sa preliminary sa kanyang 455 points.
Nabigo naman si Precious Jade Borre na makapasok sa medal round nang matalo kay Vietnamese Hoang Thi Loan, 0-5, sa quarterfinals ng women’s Class C 55-60 kgs.
Samantala, target nina Dines Dumaan at Jefferson Rhey ang silver medal sa pagsagupa sa kani-kanilang karibal sa semis ng men’s singles tanding (sparring).
Lalabanan ni Dumaan si Malaysian Muhammad Fayzul Nazir at makakatapat ni Loon si Nguyen Ngoc Tuan ng Vietnam.
- Latest