^

PM Sports

Tansong medalya ibinigay ni Meggie

Mae Balbuena-Villena - Pang-masa
Tansong medalya ibinigay ni Meggie
JAKARTA -- Napailalim si Pinay Margarita ‘Meggie’ Ochoa laban kay Sirapol Dee­pudsa ng Thailand.
PM photo ni Joey Mendoza

JAKARTA — Muling tinalo ni Margarita “Meggie” Ochoa ang kanyang kapwa Pinay sa kanilang muling paghaharap para ihatid ang ikaanim na bronze medal ng Pilipinas sa 18th Asian Games di­to at sa Palembang.

Sa all-Filipina battle for bronze ng Newaza wo­­men’s 49-kg sa pagbu­bukas ng ju-jitsu compe­tition sa Plenary Hall ng Jakarta Convention Cen­­ter, muling nangiba­baw ang 28-gulang na si Ochoa, 2-0, tulad ng nangyari sa kanilang finals match sa 2018 Asian Championships sa Aktau, Kazakhstan.

Ang 2017 AIMAG gold medalist na si Ochoa  ay kailangang bumawi sa pagkatalo para umabot ng semifinals, habang natalo naman ang 22-gulang na si Napolis sa kanyang se­­mifinals match na humantong sa kanilang pag­haharap.

Ipinanalo ni Ochoa ang kanyang unang dalawang matches kontra kay Yasmeen Joralkhatib ng Jordan via superiority ba­go talunin si Siramlo Tha­deepudsa ngThailand sa puntos, 2-0.

Natalo siya sa quarterfinals kay Thi Than Minh Vieduong ng Vietnam via superiority ngunit buma­wi sa repechage laban kay Bayarmaa Munkhge­rel ng Mongolia.

Bigo naman si Napo­lis sa semifinals kontra kay Jessa Khan ng Cam­bo­dia via tap out matapos talunin sina Santi Ap­riyani Savitri ng host In­donesia sa round-of-16 at Wadima Alyafei ng Uni­ted Arab Emirates sa quarterfinals.

Ang bronze ni Ochoa ay dagdag sa bronze ng men’s at women’s poom­sae team, Agatha Wong at Divine Wally at taekwondo jin Pauline Louise Lopez bukod pa sa gold medal ni weightlifter Hidilyn Diaz.

Nakasiguro ng bronze medal sina Di­nes Duma­an at Jeffer­son Loon sa pencak silat matapos ipanalo ang kanilang mga quar­terfinal mat­ches.

Tinalo ng Asian beach games silver medalist na si Loon si Almazbek Zamirov ng Kyrgystan, 4-0 sa quarterfinals ng men’s Class D 60-65 kgs, ha­bang umiskor ng 5-0 panalo ang 2017 SEA Games gold medalist na si Dumaan laban sa Indonesian bet na si Boynao Singh Naorem sa men’s class B 50-55kg. quarterfinals.

Ang kanilang semifinal matches ay nakatakda bukas ng umaga.

Kinapos naman sa podium finish ang 19-gulang na gymnast na si Carlos Yulo nang ma­ungusan ng Indonesian pa­­ra sa bronze medal sa men’s vault finals.

Nakatakdang lumaban si Pinay boxer Nesthy Petecio kagabi sa isang Chi­nese para sa quarterfi­nals ticket.

Haharapin naman ng mga Pinay spikers, pasok na sa quarterfinals, ang In­­donesia ngayong alas-8 ng gabi sa pagtatapos ng pre­­limina­ries.

MARGARITA OCHOA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with