Gymnasts puntirya ang gintong medalya
JAKARTA—Kumpiyansa sina Asian Games rookies Carlos Edriel Yulo at Reyland Capellan na mananalo ng medalya sa kanilang pagsabak sa men’s artistic competition ng gymnastics event bukas dito sa Jakarta International Expo Kanayoran Hall D.
“I am ready this time at gusto ko pong maipakita ang buong makakaya ko para makapagwagi ng medalya para sa bansa,” sabi ng 18-anyos na si Yulo, kumuha ng silver sa floor exercise sa 2018 Doha World Cup sa Qatar at bronze sa vault sa Melbourne World Cup Gymnastics 2018 sa Australia.
Nagbulsa rin siya ng pilak sa vault sa Baku World Cup 2018 sa Azerbaijan noong Marso 18.
Kakampanya si Yulo sa individual all-around, horizontal bar, pommel horse, parallel bars, vault, rings at hfloor exercise.
Target din ni Capellan ang ginto sa vault at floor exercise.
- Latest