^

PM Sports

Training sa Japan makakatulong sa volleyball team

Mae Balbuena-Villena - Pang-masa
Training sa Japan makakatulong sa volleyball team
Sina Kim Fajardo, Jaja Santiago, Alyssa Valdez at Mika Reyes sa ensayo ng women’s volleyball team.
PM photo ni Joey Mendoza

JAKARTA — Baon ang magandang training mula sa Japan, sisimulan ngayon ng Philippine women’s volleyball team ang kanilang kampanya sa 18th Asian Games sa pagharap sa bigating Tha­i­­land sa Gelora Bung Karno (GBK) Tennis Indoor Courts.

Alas-12:30 ng tanghali (1:30 Manila time) ang unang laban sa Pool A ng mga Pinay volleybelles na hindi na sumama sa pa­rade of teams kagabi pa­ra mag-practice na lamang at mapaghandaan ang No. 3 seed na Thailand na siyang perennial champion team sa SEA Games at bronze meda­list noong 2014 Incheon Asian Games.

“Napakalaking tulong ang naibigay sa amin (trai­­ning sa Japan). Pa­rang kulang pa nga, ma­da­mi pang kailangan ma­tutuhan,” pahayag ni Natio­nal coach Shaq Delos San­tos na sasandal kina Alyssa Valdez, Aby Maraño, Mika Reyes, Ja­ja Santiago at kapatid niyang si Dindin Manabat, at iba pa.

Pagkatapos ng Thailand ay Japan naman ang kalaban ng mga Pinay sa Martes sa Bulungan Sports Hall sa alas-4:30 ng hapon (5:30 sa Manila), Hong Kong sa Hu­webes sa alas 12:30 ng tanghali (1:30 p.m. sa Ma­nila) sa parehong ve­nue at Indonesia sa alas-7 ng gabi  (8 p.m. sa Mani­la) sa Sabado sa GBK tennis Indoor courts.

Kailangan lamang ng Philippine lady spikers ng isang panalo upang ma­­kapasok sa quarterfi­nals at umaasa silang ma­­gagawa nila ito kontra sa Hong Kong at sa host na In­donesia.

Ang iba pang miyembro ng team ay sina Mary Joy Baron, Cha Cruz, Kian­na Dy, Kim Fajardo, Dawn Macandili, Frances Molina, Jia Morado, Maika Ortiz at Denden La­za­ro.

Sapul noong 1982 ay ngayon pa lamang ulit nagkaroon ng lahok ang Pinas sa women’s volleyball ng Asiad.

Huling nagkampeon ang Pinas sa Southeast Asian Games noon pang 1993.

 

VOLLEYBALL TEAM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with