^

PM Sports

Pinay spikers handa sa Thailand

Pang-masa

JAKARTA — Matapos ang matagal na panahong pagkawala sa wo­men’s volleyball sa Asian Games, magbabalik ang Pinas sa kauna-unahang pagkakataon at nais ng ko­ponan na makapagpa­kita ng magandang per­formance.

Dumating sa Soekar­no-Hatta International Air­port ang koponang pi­­­na­ngungunahan nina Alyssa Valdez, Aby Ma­raño, Mika Reyes, Ja­ja Santiago at kapatid na si Dindin Manabat at dumi­retso sa Athletes Village sa Kemayoran area.

Nagdesisyon ang Phl volleybelles na huwag nang sumama sa parada ng mga koponan sa ope­ning ceremony ngayon upang makapag-practice para sa laban kontra sa bi­gating Thailand bukas.

Pagkatapos ng Thailand, susunod na kalaban ng Nationals ang Japan sa Martes, Hong Kong sa Huwebes at Indonesia sa Sabado.

Sa Hong Kong at In­donesia malaki ang tsansa ng Pinas na manalo na kung mangyayari ay ma­kakausad ang Nationals sa quarterfinals.

“We want to make it to the quarterfinals,” pahayag ni Larong Vol­ley­ball Inc. president Pe­ter Cayco. “If we beat Hong Kong we will get to the quarterfinals. I also think we can get past In­do­ne­sia.” Mae B.Villena

 

 

PINAY SPIKERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with