Etheridge nagpasikat sa EPL
MANILA, Philippines — Ilista na ang pangalan ni Philippine Azkals’ goalkeeper Neil Etheridge sa kasaysayan ng Phi-lippine football.
Ito ay matapos siyang maging unang Filipino football player na naglaro sa bigating English Premier League sa 0-2 kabiguan ng Cardiff City laban sa Bournemouth.
Nakapuslit sa depensa ng 6-foot-2 na si Ethe-ridge ang tirada ni Ryan Fraser sa 24th minute ng first half para sa 1-0 abante ng Bournemouth.
Ang left-handed save naman ni Etheridge sa sipa ni Callum Wilson sa 35th minute ang nagkait sa Bournemouth na maitayo ang 2-0 kalamangan laban sa Cardiff City.
Subalit tuluyan nang nakaiskor ng goal si Wilson sa 90th minute para sa opening-day win ng Bournemouth sa nasabing top-flight league.
Ipinanganak ang 28-anyos na si Etheridge sa Enfield, London at ang kanyang amang si Martin ay isang Englishman habang ang ina niyang si Merlinda Dula ay tubong Tarlac.
Sa edad na 9-anyos ay sinimulan ni Ethedridge ang paglalaro ng football bilang isang striker bago maging goalkeeper.
Nag-aral siya sa Court Moor School sa Fleet, Hampshire at naglaro para sa Hampshire Schools at Aldershot & Farnborough district teams.
Sa kanyang pag-aaral sa Chelsea Academy noong 2003 ay naging kakampi niya sina Philippine internationals James at Phil Younghusband at pumuwesto bilang forward.
Lumipat siya bilang goalkeeper at sa kahili-ngan ng kanyang coach.
Noong 2007 ay tinanggihan ni Etheridge ang imbitasyon na maglaro para sa Philippine dahil sa problema sa lengguwahe.
Muli siyang nakatanggap ng imbitasyon noong 2008 mula sa bagong Philippine Football Federation president na si Jose Mari Martinez at tuluyan nang napapayag ni Phil Younghusband.
- Latest