36 ASG medals iuuwi ng Phl team
KUALA LUMPUR, Malaysia--Tinapos ng Team Philippines ang kanilang kampanya sa 2018 ASEAN Schools Games nitong Martes sa paghakot ng kabuuang 36 medals para magtapos bilang sixth overall sa 10 bansang sumali.
Sumali ang Pinas sa 10 events sa 11 na pinag-labanan at kumopo ng siyam na gold, kapos ng apat sa 13 na napanalunan noong nakaraang taon sa Singapore.
Mayroon ding pitong silver ang Phl teambukod pa sa 20 bronze medals.
Natapos ang 2018 ASEAN Schools Games na ang host country Malaysia ang nanguna sa kanilang 37 golds, 34 silver at 32 bronze medals kasunod ang Indonesia na may 31-36-30 gold-silver-bronze.
Pangatlo ang Thailand (19-21-31) kasunod ang Singapore (13-16-22) at Vietnam (13-8-6).
Best performers ang athletics team na kumuha ng anim na gold, apat na silver at anim na bronze.
Si runner Jessel Lumapas, isang Grade 11 standout ng Nazareth School of National University ang most bemedalled athlete para sa Philippines sa kanyang dalawang golds.
Ang 17-anyos na si Lumapas, ang sprint queen ng Calabarzon ay nanalo sa 200m at 400m girls events sa Mini-Stadium ng National Sports Complex sa Bukit Jalil.
Tinangka ng Cavite native ang ikatlong gold me-dal sa 4x400m event ngunit kinapos ito nang matapilok si Bernalyn Bejoysa pagpapasa ng baton at hindi naka-recover ngunit nakuha pa rin nila ang bronze.
Nasiyahan naman si Philippine Chef-De-Mission Rizalino Jose Rosales sa ipinakita ng mga pinoy athletes kahit bigo silang pantayan o higitan ang produksiyon noong nakaraang taon.
Sinabi ni Rosales na inaasahan niyang makakuha ng isang medal sa bawat event. “Actually, I am real-ly happy that all events won at least one medal. We actually achieved our goal for this year.”
Pinuri din ni Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Charles Raymond A. Maxey ang mga Filipino athletes na sumabak dito sa Malaysia.
“I am very proud of them. They represented our country well. But, there will always be winners as well as losers in any sport,” pahayag ni Maxey.
Tumanggap ang mga medalists ng incentives mula sa Department of Education (DepEd).
Habang sinusulat ang balitang ito ay kasalukuyang idinaraos ang closing ceremonies ng 2018 ASEAN Schools Games, gaganapin naman sa Semarang, Indonesia sa susunod na taon.
- Latest