^

PM Sports

Froilan Saludar may gustong mangyari

Russell Cadayona - Pang-masa
Froilan Saludar may gustong mangyari
Froilan Saludar

MANILA, Philippines — Pipilitin ni Froilan Saludar na maisama ang kanyang pangalan sa hanay ng mga Filipino world boxing champions.

Nakatakdang hamunin ni Saludar si World Boxing Organization flyweight king Sho Kimura ng Japan sa Qingdao Guosen Gymnasium sa Shandong province, China ngayong gabi.

Gusto rin ni Saludar na sundan ang yapak ng kanyang kapatid na si Vic Saludar (18-3-0, 10 knockouts) na inagawan ng WBO minimumweight belt si Japanese Ryuya Yamanaka (16-3-0, 5 KOs) via unanimous decision kamakailan sa Kobe, Japan.

Bukod kay Vic Saludar, ang iba pang world boxing champion ng bansa ay sina WBO welterweight titlist Manny Pacquiao at IBF super flyweight king Jerwin Ancajas habang mga inte-rim champions naman sina WBA featherweight Jhack Tepora at WBA bantamweight Reymart Gaballo.

Determinado si Froilan Saludar (28-2-1, 19 KOs) na maagaw kay Kimura (16-1-2, 9 KOs) ang hawak nitong WBO flyweight crown.

Matapos matalo kay Takuma Inoue ng Japan noong 2016 ay limang sunod na panalo ang itinala ng 29-anyos na si Froilan para maupo sa No. 4 sa WBO flyweight rankings.

Ang 29-anyos ding si Kimura ang umagaw kay Chinese boxing star Zou Shiming ng bitbit nitong WBO flyweight belt via 11th round TKO noong nakaraang taon sa China.

Naidepensa ni Kimura ang kanyang korona noong Disyembre via ninth-round TKO win laban sa kababayang si Toshiyuki Igarashi sa Tokyo.

Samantala, pag-aagawan naman nina dating world three-division titlist Donnie “Ahas” Nietes (41-1-4, 23 KOs) ng Murcia, Negros Occidental at “Mighty” Aston Palicte (24-2-0, 20 KOs) ng Bago City ang bakanteng WBO super flyweight belt sa Setyembre 8.

vuukle comment

FROILAN SALUDAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with