^

PM Sports

Frayna nakapasok sa Top 20

Pang-masa

MANILA, Philippines — Dinaig ni Filipina Woman Grand Master Janelle Mae Frayna si Swedish Andreas Persson para pu­ma­sok sa Top 20 matapos ang eighth round ng XX Obert Internacional Sant Marti 2018 sa Barcelona, Spain noong Biyernes ng gabi.

Sumosyo ang 22-anyos na si Frayna sa 19th spot mula sa kanyang 5.0 points at nakatakdang la­banan si Cuban International Master Alexey Fernandez Cardoso sa ninth at final round kagabi.

Ito ang ikaapat na panalo ni Frayna sa torneo ka­sama ang 2 draws at 2 loss.

Ginagamit ni Frayna ang 51-day European campaign para makamit ang men’s GM title.

Naghahanda din ang Far Eastern University cum laude sa pagbandera sa Philippine women’s team sa 2018 World Chess Olympiad sa Setyembre sa Batumi, Georgia.

Kasama ni Frayna sa torneo si International Master John Marvin Miciano at kanilang coach na si GM Jayson Gonzales.

FRAYNA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with