SMBeer aasa uli kay Reid sa PBA Governors’ Cup
MANILA, Philippines — Hindi pa man din tapos ang misyon nitong madepensahan ang kampeonato sa 2018 Philippine Basketball Association (PBA) Commissioner’s Cup ay handa na agad ang po-werhouse na San Miguel para sa nalalapit na Go-vernors’ Cup.
Ito ay matapos nilang masigurong muli ang serbisyo ng veteran PBA import na si Arizona Reid para sa season-ending conference.
Noong nakaraang Linggo pa dumating si AZ Reid sa bansa at nagsimula na ring magsanay kasama ang koponan.
“Yes, si Reid ang import namin next conference,” ani coach Leo Austria matapos nilang umiskor ng malaking 92-79 panalo sa Game 1 kontra sa karibal na Alaska sa pagsisimula ng Commissioner’s Cup semi-finals sa Mall of Asia Arena.
Dalawang beses nang natanghal na Best Import sa PBA, ito na ang magiging ikaanim na pagbabalik ni Reid sa pinakaunang propesyunal na liga sa Asya.
Ngunit bagama’t da-lawang beses ng nabingwit ang naturang para-ngal ay isang beses pa lamang ito nagkampeon nang winalis ng Beermen ang Aces noong 2015 PBA Governors’ Cup Finals, 4-0.
Nagbalik ang 32-an-yos na si Reid sa SMB noong 2016 Governors’ Cup upang depensahan sana ang kanilang titulo ngunit napalitan din agad ni Mike Singletary at sa kalaunan ay ni Elijah Millsap na siyang nagresulta sa pagkakatanggal ng koponan.
Iyon ang nais maiganti ni Reid sa season-ending conference at maisakatuparan na ang hangad na mailap na three-peat kung sakaling magtutuluytuloy hanggang kampeonato ng Commissioner’s Cup kasama ang kasalukuyang import na si Renaldo Balkman.
- Latest