F2 Logistics 2-0 na
MANILA, Philippines — Nangangailangan lamang ng tatlong sets ang F2 Logistics Cargo Movers para patumbahin ang Generika-Ayala Lifesavers, 25-20, 25-16, 25-20 kahapon sa pagpapatuloy sa 2018 Chooks to Go-Philippine Superliga Invitational Conference sa FilOil Flying V Center sa San Juan City.
Ipinakita nina Kim Dy, Majoy Baron, Kim Fajar-do, Cha Cruz-Behag, Abby Maraño, Ara Galang at Dawn Macandili ang matikas na laro para masungkit ang ikalawang sunod na panalo at agawin sa Lifesavers ang liderato sa Pool A.
Sa kanilang talo, ang Lifesavers ni coach Sherwin Meneses ay bumaba sa ikatlong puwesto sa 2-1 win-loss kartada sa Pool A.
Sainbi ng premyadong libero na si Dawn Macandili na nakatulong sa kanila ang paglalaro sa Thailand bago sa umpisa ng PSL invitational tournament dahil sa mataas ang level ng naturang torneo.
“Talagang nakatulong sa amin ang paglalaro sa Thailand dahil mataas talaga ang level sa laro doon kaya ang experience na ‘yun ay nagbigay sa amin ng malakas na tiwala sa isa’t-isa sa amin,” sabi ni Macandili.
Umani si Macandili ng 13 excellent digs para pangunahan ang panalo ng Cargo Movers na gusto naman bumawi sa talo nila sa nakaraang Grand Prix conference.
“Fresh kasi kami sa Thailand kaya buung-buo ang loob namin ngayon,” dagdag ni Macandili.
Tumulong din ang beteranong si Ara Galang ng walong puntos kabilang na ang anim na atake at dalawang blocks para sa Cargo Movers.
“Maganda ang chemistry namin. Ang importante kasi naniniwala kami sa sarili namin kaya solid ang game namin as a team,” ayon naman kay Galang.
Natapos ng isang oras at 13 minuto.
- Latest