^

PM Sports

Paalam, Ocana pasok din sa quarterfinal round

Chris Co - Pang-masa
Paalam, Ocana pasok din sa quarterfinal round
Calo Paalam at Sugar Ray Ocana

MANILA, Philippines — Dalawa pang Pinoy pugs ang nagmartsa sa quarterfinals sa pagpapatuloy ng 2018 Thailand Open International Boxing Tournament na ginaganap sa Bangkok, Thailand.

Parehong umiskor sina Carlo Paalam at Sugar Ray Ocana ng unanimous decision win sa kani-kaniyang dibisyon para umakyat sa apat na Pinoy bets ang pumasok sa Round-of-8.

Inirehistro ni Paalam ang 30-26, 30-27, 30-27, 30-27, 30-27 desisyon kontra kay Matsumo Ryusei ng Japan sa men’s light flyweight (46-49 kg.) habang nanaig si Ocana laban kay Hsieh Kai-Yu ng Chinese-Taipei sa iskor na 30-27, 30-27, 30-27, 29-28, 29-28 sa men’s light welterweight (64 kg.).

Susubukan ni Paalam na humirit ng tiket sa semis sa pakikipagtipan nito kay Samak Saehan ng host Thailand na nagsumite ng 4-1 desisyon laban kay Pelleha Muturanwelluge ng Sri Lanka.

Mapapalaban din si Ocana dahil lalarga ito kontra kay Tay Jia Wei ng Singapore na galing sa impresibong second-round referee-stopped-contest kontra kay Matteo Komadina ng Croatia.

Hahataw din sa quarterfinals si Marvin Tabamo kung saan makakatipan nito si Kim Inkyu ng South Korea sa men’s flyweight (52 kg.) gayundin si James Palicte kontra kay Kimura Rentaro ng Japan sa men’s lightweight (60 kg.).

Muling nalagasan ang pambansang koponan nang yumuko si Southeast Asian Games gold medallist Mario Fernandez kontra kay Kharkhuu Engkh-Amar ng Mongolia sa bendisyon ng dikit na 2-3 desisyon sa men’s bantamweight (56 kg.).

Si Fernandez ang ikalawang casualty matapos tumupi si Joel Bacho kay kay Sailom Ardee ng host Thailand sa men’s welterweight (69 kg.) sa event na may nakalaang $1,500 sa magkakampeon, $750 sa runner-up at $500 sa mga bronze medallists.

CALO PAALAM

SUGAR RAY OCANA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with