^

PM Sports

5 Pinoy Pugs diretso sa 2nd round

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines – Limang Pinoy boxers ang awtomatikong umusad sa second round matapos makasiguro ng opening-round bye sa 2018 Thailand Open International Boxing Tournament na ginaganap sa Bangkok, Thailand.

Walang kahirap-hirap na pumasok sa susunod na yugto sina Carlo Paalam (men’s light flyweight - 46-49 kg.), Marvin Tabamo (men’s flyweight – 52 kg.), James Palicte (men’s lightweight – 60 kg.), Sugar Ray Ocana (men’s light welterweight – 64 kg.) at Joel Bacho (men’s welterweight (69 kg.).

Makakalaban ni Paalam si Matsumo Ryusei ng Japan habang sasagupain ni Tabamo si Jean David Rolfo ng Mauritius na nakasiguro rin ng first-round bye.

Lalarga naman sina Palicte laban kay Lai Chu-En ng Chinese-Taipei, Ocana laban kay Hsieh Kai-Yu ng Chinese-Taipei, at Bacho laban kay Sailom Ardee ng Thailand sa kani-kaniyang second-round bouts.

Unang sasalang si Southeast Asian Games gold medallist Mario Fernandez na susuntok laban kay Louis Jean Hughes Miley ng Mauritius sa first round ng men’s bantamweight (56 kg.) ngayong Sabado ng gabi.

Magkakamit ng $1,500 ang magkakampeon habang may $750 naman sa runner-up at $500 sa mga bronze medallists. Bibigyan naman ng $300 ang quarterfinalist, $200 sa aabot sa second round, at $100 konsolasyon sa matatalo sa first round.

Tumataginting na $10,000 ang nakalaan sa magkakampeon na koponan at $7,500 at $5,000 naman para sa second at third, ayon sa pagkakasunod.

Ipinadala ng Association of Boxing Alliances in the Philippines ang anim na boksingero bilang paghahanda sa 2018 Asian Games na idaraos sa Agosto sa Indonesia.

PINOY PUGS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with