Saludar brothers may laban
MANILA, Philippines — Dalawang magkapatid ang mapapalaban para sa World Boxing Organization titles sa susunod na buwan.
Hahamunin ni Vic Saludar, nagdadala ng 17-3-0 win-loss-draw ring record kasama ang 10 knockouts, si WBO minimumweight champion RyuyanYamanaka (16-2-0, 5 KOs) sa Hul-yo 13 sa Kobe, Japan.
Ito ang ikalawang sunod na title fight ni Saludar makaraang sumuko kay Japanese Kosei Tanaka para sa WBO minimumweight belt noong Disyembre 31, 2015.
Matapos ang kabiguan ay anim na sunod na panalo ang inilista ni Saludar para maging No. 3 contender ng WBO.
Nakamit naman ni Yamanaka ang nasabing korona matapos umiskor n g unanimous decision win laban sa kababayang si Tatsuya Fukuhara.
Ito ang ikalawang pagdedepensa ni Yamanaka sa kanyang suot na WBO minimumweight crown na kanyang nakamit matapos pigilin si Mexican Moises Calleros sa round 8 noong Marso.
Sa Hulyo 27 ay lalabanan naman ni Froilan Saludar (28-2-1, 19 KOs) si WBO flyweight titlist Sho Kimura (16-1-2, 9 KOs) sa Xiamen, China.
Limang sunod na panalo ang itinala ni Froilan Saludar matapos mabigo kay Japanese Takuma Inoue sa isang non-title bout noong 2016.
Si Kimura ang umagaw sa titulo ni Chinese boxing hero Zou Shiming via 11th round TKO noong nakaraang taon.
- Latest