Imports sa NCAA tatanggalin na
MANILA, Philippines — Papayagan na lamang ng NCAA na maglaro ang mga foreign athletes hanggang Season 95 sa susunod na taon at susuporta rin sila sa laban ng House of Representatives kontra sa “game-fixing” via House Bill 5032 o “Anti-Game Fixing Act.
Sinabi ni NCAA Management Committee chairman Frank Gusi ng Season 94 host Perpetual Help na ipapatupad ito sa lahat ng sports, hindi lang sa basketball.
“Foreign players will get to play until Season 95, that’s the recent NCAA decision and it will apply not just in basketball but in other sports as well,” sabi ni Gusi sa Phl Sportswriters Association Forum kamakalawa sa Tapa King sa Farmers Market, Cubao.
Ang mga naiwang imports matapos ipatigil ng liga ang recruitment ng foreign players apat na taon na ang nakakaraan ay sina Toba Eugene ng San Beda at Clement Leutcheu ng St. Benilde at ang kanilang eligibility year ay hanggang 2020 ngunit hanggang sa susunod na taon na lamang sila maaaring lumaro matapos ang naging desisyon ng liga.
Nagsumite na rin ang liga at si Perpetual Help president Anthony Tamayo ng position paper sa lo-wer house tungkol sa sa game fixing matapos ang fi-ling ng bagong bill na co-authored nina 1-Pacman Congressmen Enrico Pineda at Mikee Romero.
“When you get into game-fixing, consider yourself half-dead and your life will be ruined,” sabi ni Gusi. “We know it is hard to prove, but the NCAA will ban for life all league personnel who will be proven to be involved in game-fixing.”
Inihayag din ni Gusi na nagdesisyon ang NCAA na gawin ang volleyball bilang mandatory sport kasama ang basketball, track and field at swimming.
“It means all NCAA schools will have to join in the juniors, women’s and men’s divisions of all aforementioned sports events,” sabi ni Gusi.
Magbubukas ang NCAA sa July 7 sa MOA Arena sa Pasay City kung saan maghaharap ang defending champion San Beda at Perpetual Help sa alas-2 ng hapon kasunod ang laban ng runner-up noong nakaraang season na Lyceum of the Phl U at San Sebastian sa alas-4 p.m.
- Latest