^

PM Sports

Globalport lusot sa SMB

Russell Cadayona - Pang-masa
Globalport lusot sa SMB
Kumagat sa fake ni June Mar Fajardo ng San Miguel si Globalport import Malcolm White.
PM photo ni Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Aminado si Globalport coach Pido Jarencio na hindi niya alam talunin ang nagdedepensang San Miguel.

Ngunit puso ang ginamit ng mga Batang Pier para pabagsakin ang mga Beermen, 98-94, at pati­ba­yin ang kanilang pag-asa sa quarterfinal round ng 2018 PBA Commis­sio­ner’s Cup kahapon sa MOA Arena sa Pasay Ci­ty.

Ginawa ito ng Globalport bagama’t nasibak si import Malcolm White sa 8:09 minuto ng fourth quarter matapos malasap ang ikalawang technical foul mula sa hard foul kay San Miguel reinforcement Renaldo Balkman.

“Sa sarili ko lang hindi ko alam kung paano ko tatalunin itong San Mi­guel eh,” sabi ni Jarencio, nakahugot kay White ng 25 points. “Kasi bugbog na kami sa talo diyan eh. Parang lima o apat na ta­on ko na yatang hindi tinatalo ang San Miguel.”

Kumolekta naman si Stanley Pringle ng 22 points, 8 assists at 3 steals para sa ikaapat na panalo ng Batang Pier sa walong laro.

Kinuha ng Beermen ang 12-point lead, 67-55, mula sa fastbreak basket ni Arwind Santos sa 6:38 minuto ng third period ba­go ito naputol sa 83-80 sa 8:16 minuto ng final canto.

Ang triple ni Nico Elorde ang nagbigay sa Globalport ng 95-92 bentahe sa huling 48.1 se­gun­do.

GLOBALPORT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with