Altas nais ibangon ni Lim
MANILA, Philippines — Hangad ni Perpetual Help coach Frankie Lim na burahin ang nakakadismayang performance ng Altas sa kanyang pagbabalik sa pagko-coach sa 94th NCAA senior basketball tournament na magbubukas sa July 7 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Sinabi ni Lim, nagsimulang head ng basketball program ng Las Piñas-based school bago punan ang puwestong iniwan ni Nosa Omorogbe bilang coach noong January, na ang una nilang layunin ay higitan ang 4-14 (win-loss) record noong nakaraang season kung saan nagtapos ang Altas na pang-siyam sa 10 koponang kalahok.
“We’re in a rebuilding process because we lost a lot of players so it will already be an accomplishment if we could improve on our effort last year,” sabi ni Lim, nanalo ng championships nang siya ay nasa San Beda Red Lions pa, isang dekada na ang nakakaraan.
Ipaparada ng Perpetual Help ang batang line-up matapos mawalan ng maraming players kabilang ang mga starters na sina JG Ylagan at Gab Dagangon na pawang mga graduate na bukod pa kay Kieth Llowel Pido, na inoperahan sa ankle kaya ‘di ito makakalaro ng buong season.
Ang mga naiwan lamang na players mula sa kanilang line-up noong nakaraang taon ay sina Prince Eze, AJ Coronel, Anton Tamayo at Rome Mangalino.
Ang mga bagito sa koponan ay sina Ton Ton Peralta mula sa Cagayan de Oro, Kim Aurin mula sa St. Francis, Jerome Pasia mula sa PMMS, Carl Soriano, Edgar Charcos mula sa University of the East at Kit Jimenez mula sa Far Eastern U.
Kinuha rin ng Altas sina Luke Sese (San Beda), Jielo Razon (Perpetual) at Jasper Cuevas (Perpetual) mula sa high school.
“Our target is next year and two years from now because we have several of my recruits coming in,” sabi ni Lim. “While we have modest expectations, we will still give it our best to make it to the Final Four.”
- Latest