Phl Women’s team taas noo sa 3x3 FIBA World Cup
MANILA, Philippines — Magandang panimula ang ipinakita nina Janine Pontejos, Afril Bernardino, Gemma Miranda at Jack Danielle Animan sa kauna-unahang sabak ng Philippine women’s team sa 3x3 international play.
Bilang newcomers, nagpakita sila ng laban na sinaluduhan ng Filipino fans at ng mga international players.
Kahit salat sa experience at duwende kumpara sa mga higanteng kalaban, nagbigay ng takot sa kalaban ang Team Phl lalo na sa kanilang huling laro kontra sa 2017 World Cup silver medal winner Hungary.
Nagpakita ng improvement sa bawat laban ang Team Phl kaya naman tingin nila ay may ibubuga ang mga Pinay kung matututuhan ng husto ang 3x3 play.
“It’s more of adjustment lang. Once they get used to it, tingin ko talagang may ibubuga ang team natin,” sabi ni Team Phl coach Pat Aquino.
“They’re inexperienced, but they put up a proud stand. It’s a start that’s something to speak of. Sana maging spark ito ng women’s basketball in the years to come,” dagdag pa ni Aquino.
No-match ang Pinay sa kanilang unang laro kontra sa Netherlands, 11-21 pero malaki agad ang improvement sa sumunod na laro kung saan nakipagpigaan sila kontra sa Germany, 10-12.
Sa final day ng Pool D competition, mas ma-laki ang inasenso ng mga Pinay dahil alagwa agad sila sa mga unang minuto ng laban kontra sa Spain at Hungary. Pero dahil nga sa kulang sa experience, tiklop ang mga Pinay sa endgame.
Dapa sa Spain, 17-21 at bigo rin kontra sa Hungary, 15-18 pero nilisan ang Philippine Arena playing court sa masigabong palakpakan ng mga Pinoy fans.
Standout si Pontejos na tumapos tabla sa pa-ngatlong puwesto sa scoring ladder sa kanyang total na 27 points. No. 1 si Swiss Marielle Giroud (35) at No. 2 si Bettina Bozoki ng Hungary (29).
“Heads up, Perlas Pilipinas! You made us all proud! Puso!” ani Samahang Basketbol ng Pilipinas president Al Panlilio sa kanyang Twitter post.
“All games were close. Heads up Perlas Pilipinas – you did your country proud,” ani Gilas coach Chot Reyes sa kanyang sariling Twitter page.
Inaasahang gagawa ang SBP ng hiwalay na aktibong programa sa 3x3 upang itulak ang sport na ito na nakatakda nang masama sa Olympic program sa 2020 Tokyo Games.
- Latest