Agawan sa huling2-semifinals slot
MANILA, Philippines – Anim na koponan ang magbabakbakan para sa huling dalawang silya sa semis sa paglarga ng second round ng Premier Volleyball L.ague Season 2 Reinforced Conference ngayong hapon sa The Arena sa San Juan City.
Unang masisilayan ang bakbakan ng Tacloban at BanKo-Perlas sa alas-2 ng hapon kasunod ang duwelo ng Iriga-Navy at BaliPure-National University sa alas-4 at ng nagdedepensang Pocari Sweat-Air Force at Petro Gazz sa alas-6 ng gabi.
Nauna nang umusad sa semis ang Creamline (6-1) at PayMaya (5-2) na siyang umokupa sa unang dalawang puwesto matapos ang first round ng eliminasyon.
Kaya naman maglalaban-laban sa isang round robin ang Fighting Warays, Perlas Spikers, Lady Oragons, Water Defenders, Lady Warriors at Gazz Angels kung saan ang da-lawang mangungunang koponan ang awtomatikong papasok sa Final Four.
Mataas ang moral ng Fighting Warays sa pangunguna nina imports Amporn Hyapha at Patcharee Seangmuang na parehong dating miyembro ng Thai national team.
Nakakakuha pa ng sapat na suporta ang dalawang Thai reinforcements kina Jovielyn Prado, Shola Alvarez at Heather Guinoo para higit na pabangisin ang kanilang tropa.
Determinado naman ang Perlas Spikers na makaresbak mula sa kanilang first-round loss sa Fighting Warays noong Mayo 2.
Sasandalan ng Perlas Spikers sina Thai Jutarat Montripila at American Lakia Bright kasama sina Amy Ahomiro, Dzi Gervacio, Jem Ferrer at Nicole Tiamzon.
Inaabangan na rin ang salpukan ng Lady Ora-gons na mamanduahan nina Macy Ubben at Lauren Whyte at Water Defenders na pamumunuan nina Alexis Matthews at Janisa Johnson.
Nais naman ng Lady Warriors na maibalik ang angas ng kanilang tropa kaya’t inaasahang magbubuhos ng lakas si local ace Myla Pablo katuwang sina imports Maddie Palmer at Arielle Love.
Tatapatan ito ng Gazz Angels tampok sina Ukrainian imports Anastasia Trach at Olena Lymareva-Flink at sina Cherry Rose Nunag, Ranya Musa, Rachel Austero at playmaker Relea Saet.
Sa men’s division, magtutuos ang PLDT at Instituto Estetico Manila sa alas-10 ng umaga kung saan kapwa ito nagha-hangad na makakuha ng importanteng panalo para palakasin ang kanilang tsansang makapasok sa semis.
- Latest