^

PM Sports

Unang dalawang karera inangkin ni Ruben Tupas

Pang-masa

MANILA, Philippines — Ang kinalabasan ng dalawang naunang karera kahapon sa karerahan ng Metro Turf, Malvar-Tanauan Batangas ay nakuha kaagad ng premyadong horse trainer na si Ruben S. Tupas.

Naipasok nila sa unang karera ang Goldbar na isang limang taong gulang na lalakeng kabayong kastanyo na ipinagabay kay jockey Ryan M. Garcia.

Naghintay lang ang Goldbar ng pagkakataon para makuha ang unahan sa nagpatiunang Dangerous Willie na sinakyan ni Ronald F. Torres gayundin ang Suzie Cat na inibabawan ni Jonathan B. Hernandez.

Papaliko pa lamang sa huling kurbada ay nasa unahan na ang Goldbar na tumakbo pa sa kalagitnaan ng race track patungo sa homestretch.

Nanalo ng malayo ang Goldbar sa mga kalaban at kita naman na marami pang ibubuga ang kabayo, samantalang dumating sa ikalawang puwesto ang Suzie Cat para angkinin ang forecast.

Sa sinundang karera na isa pa ring Philippine Racing Commission Rating Based Handicapping System race ay ang kabayo ni Lardy Naval na Sweetness ang nagpasikat sa grupo.

Una nang nakipagbakbakan sa banderistang Jersy Savings na dinala ni C.B. Diala, hindi humiwalay ng pagkakadikit ang Sweetness, isang anim na taong gulang na kastanyong babae.

Nang kinakitaan na ng pangangapos ng hini­nga ang Jersy Savings ay tuluyan nang inagaw ng Sweetness ang unahan, habang si Mark M. Gonzales na siyang may dala sa kabayo ay hindi naman nagkumpiyansa dahil marami rin ang nagpaparemate sa grupo.

Mas naging kasabik-sabik ang karera nang papadiretso na ang mga kalaban sa pangunguna ng Sweetness.

Sa puntong iyon ay malakas na nagparemate ang Indiana Sky pero kinapos rin sa huli.

Sumunod na nagpalakas ng mga kikig sa may tabing balya ang Double Strike na ginabayan ni Kelvin B. Abobo at kinundisyon ni tatay Rudy G. Mendoza.

Ang akala ng marami ay makakasingit sa may tabing balya ang Double Strike, pero hindi rin nagawa ng kabayo at nagsegundo lang.

At ang pinakaliyamadong Top Secret na entry ni Antonio V. Tan Jr. at ipinasakay si J.A. Pastoral ay malakas rin nagparemate sa may kalabasan naman ng balya.

Pero sapat pa ang lakas ng Sweetness para maipanalo ang kabayo at maihatid kay trainer Tupas ang ikalawa niyang panalo. Tersero ring dumating ang Top Secret. JMacaraig

RUBEN TUPAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with