^

PM Sports

Rain Or Shine nagsolo

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nang maputukan ng labi si Chris Tiu dahil sa siko ni Globalport import Malcolm White sa dulo ng fourth quarter ay tumanggi ang Rain or Shine guard na magpadala sa ospital.

“I wanted to win the game so badly. I think that was a wonderful revenge against the person who did it to me,” sabi ni Tiu, tumapos na may 10 points, ang lima dito ay kanyang ginawa sa huling dalawang minuto ng final canto.

Sa likod ni Tiu ay tinalo ng Elasto Painters ang Batang Pier, 96-90, para masolo ang liderato at makalapit sa quarterfinals seat sa 2018 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Ito ang ikalawang dikit na panalo ng Rain or Shine matapos lusutan ang nagdedepensang San Miguel sa overtime, 123-119 para iposte ang 5-1 record.

Hindi naman nadup-lika ng Globalport ang kanilang 116-94 panalo laban sa NLEX para mahulog sa 3-3.

Kinuha ng Elasto Painters ang 11-point lead, 66-55 mula sa three-point shot ni James Yap sa huling 2:20 minuto ng third quarter bago naagaw ng Batang Pier ang 77-76 bentahe buhat sa triple ni Stanley Pringle sa 6:07 minuto ng final canto.

Nauna nang napatalsik sa laro sina Rain or Shine guard Maverick Ahanmisi at Globalport center Kelly Nabong matapos magpormahan sa 3:20 minuto ng laban.

Muling nakuha ng Elasto Painters ang kalamangan sa 87-79 galing sa basket ni Tiu na sinundan niya ng isang tres para sa kanilang 92-83 abante sa huling 1:14 minuto ng laro.

Ang jumper ni Norwood ang umiwan sa Batang Pier sa 94-85 sa natitirang 57.9 segundo.

Pansamantala namang matitigil ang torneo para sa pagdaraos ng 2018 PBA All-Star Week na katatampukan ng pagharap ng Smart All-Stars laban sa Mindanao, Luzon at Visayas selections sa Mayo 23, 25 at 27, ayon sa pagkakasunod.

Magbabalik ang ak-syon sa Mayo 30.

CHRIS TIU

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with