^

PM Sports

4 Pinoy boxers pasok sa quarterfinals

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nagmartsa rin sa quarterfinals ang apat pang Pinoy boxers sa pagpapatuloy ng 2018 Konstantin Korotkov International Memorial Boxing Tournament na ginaganap sa Khabarovsk, Russia.

Nagparamdam na rin ng lakas sina James Palicte (men’s lightweight - 60 kg.) at Joel Bacho (men’s welterweight - 69 kg.) na parehong nagtala ng unanimous decision win sa kani-kaniyang dibisyon.

Umiskor si Palicte ng 29-28, 29-28, 29-28, 30-27, 30-27 desisyon kay Roland Galos ng Hungary habang namayani si Bacho kay Mikhail Starodubov ng Russia sa pamamagitan ng 30-27, 30-27, 30-27, 29-28, 29-28 desisyon.

Kailangan ni Palicte na ibuhos ang kaniyang buong lakas sa quarterfinals dahil haharap ito kay Yerik Petrosyan ng Armenia na galing sa second-round knockout win laban kay Li Jeang Cheol ng South Korea.

Target naman ni Bacho na makahirit ng tiket sa semis kontra kay Liao Wen Jiu ng China na nagsumite ng 3-1 panalo kay Nukanov Aydarkhan ng Kazakhstan.

Umariba rin sina World Championships silver medalist Nesthy Petecio at Aira Villegas na parehong may 5-0 unanimous decision win sa women’s division ng torneong may basbas ng International Boxing Association.

Iginupo ni Petecio si Liu Piuo Piao ng China sa iskor na 30-27, 30-27, 30-27, 30-27, 30-27 sa 57 kg. category habang namayani naman si Villegas kay Galina Chumagalakova ng Russia, 29-28, 29-28, 30-27, 30-27, 30-27, sa 48-51 kg. class.

Sa quarterfinals, haharapin ni Petecio si Karina Ta-zabekova ng Russia na nagsumite ng 4-1 panalo kay Lu Lei ng China habang aariba naman si Villegas kay Nan-dintcecheg Myagmardulam ng Mongolia na nanalo naman kay Chiranchaya Phunsang ng Thailand, 5-0.

PINOY BOXERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with