^

PM Sports

De Luna, Biado asam ang quarterfinals

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Puntirya nina Carlo Biado at Jeffrey De Luna na makahirit ng puwesto sa quarterfinals sa pagpapatuloy ng prestihiyosong 2018 World Cup of Pool nga-yong hapon sa Luwan Arena sa Shanghai, China.

Makakasagupa ng fourth-seeded Pinoy tandem sina Imran Majid at Mark Gray ng England sa alas-2:30 ng hapon matapos ang duwelo nina Ralf Souquet at Joshua Filler ng Germany at Dejing Kong at Ming Wang ng China-B sa alas-1:30.

Nakatakda rin ang bakbakan nina Chang Jung-Lin at Cheng Yu-Hsuan ng Chinese-Taipei at Alexander Kazakis at Nick Malaj ng Greece sa alas-3:30 sa torneong may basbas ng World Pool-Billiard Association at naglaan ng $250,000 kabuuang papremyo kabilang ang $60,000 para sa kampeon at $30,000 naman sa runner-up.

Pumasok sa second round sina Biado at De Luna matapos igupo sina Matt Edwards at Marco Teutscher ng New Zealand, 7-3 sa opening round noong Miyerkules habang namayani naman sina Majid at Gray kina Ryu Seung Woo at Jeong Young-Hwa ng South Korea, 7-2 sa hiwalay na first-round game.

Kabado sina Majid at Gray dahil alam ng da-lawa ang kalidad ng laro ng dalawang matikas na Pinoy cue masters.

“They are one of the biggest nations in pool so we know we are in for a tough time and we will be underdogs but I like being the underdog,” pahayag ni Gray.

Sasargo rin ang banggaan nina defending champions Mario He at Albin Ouschan ng Austria at nina Mateusz Sniegocki at Wiktor Zielinski ng Poland gayundin ang duwelo nina Niels Feijen at Marc Bijsterbosch ng Netherlands at nina Jayson Shaw at Scott Gillespie ng Scotland.

JEFFREY DE LUNA

WORLD CUP OF POOL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with