Pinag-alsa balutan na si Jeremy Tyler
Lalaro ng walang import ang TNT KaTropa kontra sa Blackwater ngayong gabi dahil sinibak na ng team management si Jeremy Tyler dahil sa masamang pag-uugali.
“We’re winning games with our local players, so we decided na maglaro na lang na all-Filipino. We’ll have Josh Smith back on the 25th,” ani TNT KaTropa team manager Virgil Villavicencio.
Huling laban ng TNT ang Blackwater bago ang PBA All-Star break. Columbian Dyip ang kanilang susunod na laban sa June 1 sa MOA Arena.
***
Kumandidato at lumusot na SK chairman sa aming barangay sa Bagbaguin, Valenzuela ang aking anak na si Rizanelle “Not” Beltran. At hayaan niyo na magbigay daan ako sa kanyang pasasalamat na isinulat sa kanyang Facebook account.
“Suddenly, ako ay hirap mag-compose ng aking ilalahad sa aking Facebook account. Hindi ko malaman kung paano ilalahad ang pasasalamat sa dami ng tumulong, dumamay, sumuporta.
“It’s a whirlwind two-week journey na natapos na ako ay pinagkalooban ng tiwala upang mamuno sa mga kabataan ng ating barangay.
“Ang katuwaan ay may kasamang pangamba because I know I would now be under the microscope, which is the case if you’re a public servant. Sasandal po ako sa sinasabi ng aking ama: “Stick to your campaign theme” na isulong ang one, inclusive Bagbaguin SK (SK Para sa Lahat, Hindi sa Iilan).
“Pero maisasakatuparan lamang ito sa pagtutulungan at pakikiisa natin lahat na mga kabataan magmula sa Malinis, Centro at Bisalao (kasama ang lahat ng nasasakupan ng mga sitio na ito).
“Ini-extend po ng Team Beltran ang aming hand of friendship sa Team Renzo. At idinideklara ko na wala na pong Team Beltran dahil magbubuklod na po tayo para buuin ang isang team. Let’s all hail TEAM BAGBAGUIN!
“Ang pribilehiyo na maglingkod sa ating barangay ay utang ng Beltran family sa maraming tao. Di ko na po iisa-isahin at baka ako ay may malimutan. But I have to make special mention of Mommy Michelle Gregorio na siyang nagkaray-karay sa aking kandidatura. I will do my best to make you proud. My failure would be my failure. Pero kung ano man ang ma-achieve ng Bagbaguin SK sa aking leadership ay achievement mo rin.
“Team Bagbaguin, let’s serve for the welfare of our barangay and for God’s glory!”
- Latest