Celtics ibinaon ang Cavaliers
BOSTON — Maski ang bagong estratehiya ni coach Tyronn Lue para sa Cleveland Cavaliers ay hindi umubra laban sa Celtics.
Kumamada si Jaylen Brown ng 23 points para pangunahan ang Boston sa 107-94 panalo laban sa Cleveland sa Game Two ng Eastern Conference Finals.
Nag-ambag si Terry Rozier ng 18 points at kumolekta si Al Horford ng 15 points at 10 rebounds para sa 2-0 kalamangan ng Celtics sa kanilang best-of-seven series ng Cavaliers.
Nalampasan ng Boston ang kinamadang 42 points ni LeBron James, nagtala din ng 12 assists at 10 rebounds para sa kanyang triple-double.
“We’re going to fight,” wika ni Rozier. “At this point we don’t care if we win by half a point. If we win, that’s all that matters.”
Pinaganda ng Boston sa 9-0 ang kanilang record sa postseason sa TD Garden at hindi pa naisusuko ang 2-0 series lead sa playoffs.
Humugot si James ng 21 sa 27 points ng Cleveland sa first quarter para duplikahin ang kanyang playoff career high for points sa isang yugto.
Ang kanyang 42 points ang pang-lima niyang 40-point game ngayong postseason.
Tila nabawasan ang lakas ni James sa second half matapos makabanggaan si Jayson Tatum sa second quarter.
“It was a tough collision,” wika ni Lue. “He knocked his head sideways. Of course he came back, but when he came back I don’t think he had that same punch that he had before he left, as far as attacking the basket and playing with that force and power we talked about at shootaround. We’ll see how he feels.”
Humataw ang Celtics ng 59 points sa kabuuan ng second half kumpara sa 39 markers ng Cavaliers.
“I think I’ll be fine. I’m not going to lose sleep over it. You go out and when you lay everything on the line, at the end of the day, you can live with that,” sabi ni James.
Nag-ambag si Kevin Love ng 22 points at 15 rebounds para sa Cleveland.
Ginamit ni Lue si center Tristan Thompson sa starting five bilang kapalit ni shooter Kyle Korver sa hangaring bigyan ng lakas at intensidad ang Cavaliers kumpara sa kanilang kabiguan sa Game One.
“I think they’re playing tougher than we are,” ani Lue sa Celtics. “We see that. They’re being physical.”
Nagdagdag si Korver ng 11 markers mula sa bench, habang may pinagsamang 11 points sina Thompson, JR Smith at George Hill, kasama sa starting five, mula sa 5-of-17 shooting.
- Latest