Smart Candy Bumandera sa 2nd leg ng Triple Crown
MANILA, Philippines — Ang magandang paghahanda ang susi sa tagumpay ng kabayong Smart Candy.
Itinakbo ng SC Stockfarm filly ang back-to-back stakes race win nang manguna sa 1st leg ng Philippine Racing Commission’s Triple Crown Series noong Linggo sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.
Nasubukan ang katatagan ng 3-year-old filly, nanalo sa second at third legs ng Philracom’s 3YO Stakes Race series noong Marso at Abril ng kasalukuyang taon, ng mga karibal na Victorious Colt at Wonderland bago nakawala sa nasabing 1,600-meter race ng half-a-length win.
“Mabuti naman nakaraos, medyo nahirapan kasi siya sa harapan, nalusutan naman niya ‘yung pressure ng kalaban,” sabi ni jockey Kevin Abobo sa pagdikit ng Speedmatic.
Sa kalagitnaan ng karera ay nakahabol naman ang Victorious Colt at Wonderland kung saan naagaw ng Victorious Colt ang unahan hanggang humataw ang Smart Candy sa huling 300 meters para sa panalo.
Ito ay may katapat na premyong P1.8 milyon para kay SC Stockfarm owner Oliver Velasquez, ang kabayong Sepfourteen ay nagtala ng three-speat noong 2017 Triple Crown.
“Naghintay na lang ako hanggang sa diretso sa last 300, doon kinuha ko na. At least naka-first leg na kami. Hopefully, ‘yung second and third legs, sana makuha namin,” wika ni Abobo sa Sepfourteen na naging ika-11th miyembro ng elite Triple Crown club.
Bago ang tatlong sunod na panalo ng Sepfourteen, noong 2014 ay nagposte ang Kid Molave ni owner Emmanuel Santos ng three-peat.
Samantala, tumanggap ang second placer Victorious Colt, dinala ni jockey OP Cortez, ng P675,000 para kay owner Jose Antonio Zialcita, habang ang coupled entries na Wonderland (FM Racquel Jr.) at Speedmatic (Pat Dilema) ay tumapos sa third at fourth place, ayon sa pagkakasunod, ay nakakuha ng P375,000 at P150,000 para sa kabuuang P525,000 kay owner Hermie Esguerra.
Sa P1-Million Hopeful Stakes Race, nagtala ang Goldsmith sakay si jockey RG Fernandez ng five-length win laban sa Disyembreasais (jockey JB Cordova, owner Alfredo Santos) at Hamlet (JB Hernandez, Leonardo Javier Jr).
Nagbulsa ng P600,000 si Goldsmith owner Cipriano Sison.
Ang P500,000 Philracom 3YO Locally Bred Stakes Race ay pinangunahan naman ng Jack Hammer (jockey JB Hernandez at owner Leandro Naval) kasunod ang The Barrister (jockey EG Guerra at owner Daniel Tan) at Filipino Emperor (jockey JL Paano at owner Henedino F. Gianan Jr.).
Ang three-leg series ay halaw mula sa United States Triple Crown kung saan ang tatlong legs ay binubuo ng Kentucky Derby, the Preakness Stakes at Belmont Stakes.
- Latest