Paraiso lumipat sa UST Tigers
MANILA, Philippines — Mula sa De La Salle University ay lumipat si guard Brent Paraiso sa University of Santo Tomas para makasama si coach Aldin Ayo.
Nauna nang naglaro si Paraiso para sa Growling Tigers sa Universities and Colleges Basketball League (UCBL) Summer Tournament kung saan siya humataw ng 17 points sa kanilang 87-93 kabiguan sa Jose Rizal University Heavy Bombers.
Inihayag ni Paraiso sa social media ang kanyang paglipat sa UST matapos ang 15 taon sa La Salle.
“After 15 loyal years of being in Green & White, our ultimate coach prepared a sudden master game plan -HE healed my heart to leave the pain behind and move forward. God is leading me to España from where I will pick myself up & stand proud. From here on out, I am ready to ROAR!”
Bago maglaro para sa Tigers ni Ayo ay kailangan muna ni Paraiso na maupo ng isang taon.
- Latest