^

PM Sports

Zamar natupad ang pangarap na makapaglaro sa PBA

Andrew Dimasalang - Pang-masa
Zamar natupad ang pangarap na makapaglaro sa PBA
Si Paul Zamar habang nagla­laro para sa Mono Vampire Thailand sa ABL.

MANILA, Philippines – Ika nga nila, sa hi­naba-haba man ng prusisyon ay sa Philippine Basketball Association din ang tuloy.

Iyan ang napatuna­yan ni Paul Zamar matapos matupad sa wakas ang kanyang PBA dream anim na taon matapos ang pumalyang pagpasok sana sa Asia’s oldest professional league.

Masiklab ang na­ging debut ni Zamar sa PBA nang magrehistro ng 15 puntos kasama ang apat na tres, anim na rebounds at isang assist sa loob ng 21 minutong paglalaro mula sa bench sa 91-105 kabiguan ng Blackwater Elite kontra sa Barangay Ginebra ka­makalawa ng gabi sa Alonte Sports Arena sa Biñan, Laguna.

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay naganap ang pambi­hirang PBA debut ni Za­mar sa parehong ko­po­nan na nag-draft sa kanya sa unang subok ni­ya sa PBA.

Magugunitang anim na taon na ang nakalilipas ay napili si Zamar bilang 34th overall pick ng Ginebra noong 20­12 PBA Rookie Draft ngunit hindi pinalad na mapapirmahan ng roo­kie contract.

Sa pagsasara ng isang pinto sa PBA ay si­nubok niya ang kanyang kapalaran sa iba’t ibang liga hanggang sa maganap ang itinuring na niyang ikalawang ta­hanan sa Thailand kung saan siya naging superstar.

Isa si Zamar sa mga stars ng Thailand na Mono Vampire na siyang naging karibal naman ng San Miguel-A­lab Pilipinas sa katatapos lamang na Asean Bas­­ketball League.

Doon ay nagrehistro siya ng mga averages na 16.1 puntos, 3.5 rebounds at 2.6 assists na siyang dahilan ng pag­ku­ha sa kanya ng Blackwater sa PBA.

Bagama’t nahuli man ang pagkakasakatuparan ng kanyang PBA dream, lubos pa rin ang pasasa­lamat ng dating University of the East standout na si Zamar lalo’t ang nakatapat niya sa unang laro ay ang crowd favo­rite na Ginebra.

Hindi aniya siya nagulat sa Ginebra crowd lalo’t galing siya sa ABL na may home-and-away format.

“Ang maganda sa ABL, prinepare ka sa tulad ng Ginebra, hos­tile crowd. Parang home and away games ng ABL. Nasanay na sa crowd,” aniya.

Sa kabila ng kanyang masiklab na debut, ami­nado ang 29-anyos na si Zamar na mahaba pa ang kanyang lalakbayin upang makapag-adjust nang todo sa PBA type of play.

“Siyempre noong una, nangangapa pa. Pe­ro nung nagtuluy-tuloy na, nakapag-adjust na ako. Pero kailangan pa naming mag-adjust sa bagong system ni coach Bong. At ako rin, ba­gong player so nasa adjustment period pa ako,” pagtatapos niya.

May 0-5 kartada ang Elite, magtatangka si Zamar na matulu­ngan ang Blackwater na makaiskor ng panalo kontra sa TNT Katropa sa Mayo 18 bago magpahinga ang lahat para sa 2018 PBA All-Star Break mula Mayo 23-27.

PAUL ZAMAR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with