^

PM Sports

Pinoy beach volleybelles masusubukan

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sasandal sina Sisi Rondina at Dzi Gervacio sa homecrowd sa kanilang paghaharap kontra sa mga mas malalaki at mga eksperiyensyadong manla-laro sa pagsisimula ng main draw ngayon sa 2018 FIVB Beach Volleyball World Tour sa Sands SM By The Bay sa Pasay City.

Sisimulan ng apat na women’s at men’s team ng Pilipinas ang kanilang kampanya mula sa alas-8 ng umaga kung saan asam nila na makakuha ng ranking points sa FIVB beach volleyball tournament at mahanay bilang sertipikadong world-class players.

“Ang dadalhin ko ay kung paano maglaro. Ilalaban namin ang bandera ng Pilipinas,” sabi ni Rondina na kabilang sa national team na uma-bot sa quarterfinal round ng 29th Southeast Asian Beach Volleyball Championships sa Singapore.

Inamin ng 21-anyos na si Rondina ng University of Santo Tomas at naglalaro rin sa Petron Blaze Spikers na talagang mahirap manalo sa torneo dahil puro malalakas ang kalaban.

“Mataas na level itong  (FIVB) World (Tour) and I can’t do it kung wala si ate Dzi (Gervacio). Usapan pa rin ng mag-partner. Dala pa rin ng dalawang tao,” dagdag ni Rondina.

Bukod kay Rondina at Gervacio, ang iba pang Filipina pairs na maglalaro ay ang mga beteranong sina Charo Soriano at Bea Tan at two-time BVR national champions Karen Quilario at Lot Catubag at ang pangatlo ay ang wildcard entries nina DM Demontaño at Jackie Estoquia.

Kabilang sa kanilang mabibigat na makakaharap ay sina Katja Stam at Julia Wouters ng Netherlands na nag-silver medal sa nakaraang Langkawi Open sa Malaysia at ang top-ranking players na sina Michelle Amarilla at Erika Bobadilla.

Sa men’s division, sasabak din sina BVR national champions Jade Becaldo at Calvin Sarte ng Cebu, Kevin Juban at Raphy Abanto at James Pecaña at KR Guzman. Kasama rin sa national team sina Ranran Abdilla at Edwin Tolentino.

Malalaman lamang ang kanilang magiging kalaban pagkatapos sa drawing of lots para sa men’s at women’s teams na ginaganap pa habang sinusulat ang istoryang ito.

Ang round-of-12 at ang quarterfinals ay gaganapin sa Sabado habang ang semifinals at finals ay gagawin sa Linggo.

DZI GERVACIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with