BVR players pambato ng Pinas sa FIVB Beach Volley World Tour
MANILA, Philippines — Dadalhin ng mga kampeon sa Beach Volleyball Republic (BVR) National Championship na Team Ato Ni Bai at Team Tagum-PNP ang laban ng Pilipinas para sa kauna-unahang FIVB Beach Volleyball World Tour Manila Open sa Mayo 3-6 sa SM Sands By The Bay.
Itatampok sa torneo ang mga pambato sa beach volleyball ng mahigit 20 bansa.
Dadalhin sa Pilipinas ng Fédération Internationale de Volleyball (FIVB) ang prestihiyosong kompetisyon na sinasabing pinakamalaking torneo sa beach volleyball na isasagawa sa bansa.
Official broadcaster ng FIVB Beach Volleyball World Tour ang ABS-CBN Sports, ipapalabas ang lahat ng mga laban nang LIVE sa ABS-CBN Sports Youtube channel at ipapalabas ang mga laro sa hu-ling araw sa ABS-CBN S+A at S+A HD sa Mayo 17 at 18 ng alas-4 ng hapon.
Kampeon sa nakaraang BVR National Championship sina Jade Becaldo at Calvin Sarte na makakasama sa FIVB Beach Volleyball World Tour sina Kevin Juban at Raphy Abanto ng Team UV at ang pares nina Ranran Abdilla at Edwin Tolentino ng Air Force, at pati na rin sina Kris Roy Guzman at Henry Pecana ng Team Tigers.
Sa women’s division, babandera sina Lourdilyn Catubag at Karen Quilario ng Team Tagum-PNP at makakatuwang ang mga runner-up na sina Jackie Estoquia at DM Demontaño ng Team Ilo-Ilo, Charo Soriano at Bea Tan ng Seafront Residences at ang pares nina Dzi Gervacio at Sisi Rondina.
Premyong $10,000 at puntos ang nakataya para sa kwalipikasyon sa ibang torneo ng FIVB beach volley ang paglalabanan ng tig-16 koponan sa men’s at women’s divisions.
- Latest