^

PM Sports

Milo may dalawang bagong programa

Pang-masa

MANILA, Philippines – Patuloy ang pagsuporta ng Milo Philippines para mabigyan ang mga kabataan ng maraming pagkakataong lumahok sa sports sa pamamagitan ng pag-lulunsad ng pinakabago nilang sports programs, ang Milo Champ Camp at Barangay Milo Liga.

Sa susunod na dalawang taon ay hangad ng dalawang programa na mailapit ang sports sa grassroot communities sa paghikayat sa isang milyong estudyante at 60,000 magulang sa Milo Champ Camp at higit sa 500,000 residente sa 300 barangays sa Barangay Milo Liga.

“MILO is proud to kick off these two latest additions to our growing portfoilo of grassroots sports programs, which will be offered for free. It is our hope that by reaching out to different public schools and barangays around the country that more parents and kids will realize the value of sports, and ultimately build a nation of champions,” sabi ni Willy de Ocampo, ang Vice President, Nestle Philippines, Inc.

Ilang taon nang sinusuportahan ng Milo ang educational programs sa pagbibigay sa mga estudyante ng paraan para maging aktibo sa palakasan at hikayatin silang mamuhay ng malusog.

Sa pakikipagtulungan sa Department of Education (DepEd), tatapikin ng Milo Champ Camp ang mga mahuhusay na youth coaches para turuan ang mga elementary students ng basics ng basketball, volleyball at football kasabay ng pagpapaliwanag sa mga magulang ng kaha-lagahan ng paglahok ng kanilang mga anak sa sports.

Ngayong taon ay dadalhin ang Milo Champ Camp sa 300 public schools sa mga piling siyudad na inaasahang lalahukan ng 500,000 students at 30,000 parents. (AD)

MILO PHILIPPINES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with