De Jesus huminging suporta
MANILA, Philippines — Nanawagan si coach Ramil de Jesus sa lahat ng sector ng volleyball na suportahan ang laban ng Philippine national team sa darating na 18th Asian Games mula Agosto 18 hanggang sa Septyembre 2 sa Jakarta, Indonesia.
Ayon kay De Jesus na hindi kaya ng mga players lamang at sa coach lamang kaya kailangan ang tulong ng lahat ng sektor para sa magandang kampanya ng bansa sa Continental Games.
“I can only do so much. I can’t magic the results. That’s why I need the support not only from players, but also from team owners, schools and other stakeholders who want to help. I can’t do it alone. This should be a collective effort,” sabi ni De Jesus na itinalaga ng Larong Volleyball sa Pilipinas, Inc. (LVPI) bilang head coach ng national team
Sumali naman ang mahigit 34 top players ng bansa sa isinagawang try-outs para sa national team sa Arellano University gym kahapon kaya nagpasalamat si De Jesus sa kanilang asam na mapabilang sa koponan.
Kabilang sa duma-ting ay ang 2017 national team members na sina Aby Maraño, Kim Fajar-do, Alyssa Valdez at Jaja Santiago. Dumating din sina Cha Cruz, Mel Gohing, Kim Dy, Dawn Macandili, Ara Galang at Majoy Baron mga dati at current members ng De La Salle Lady Spikers.
Bukod sa kanila, nagpakita rin ng interes sina Maika Ortiz, Dindin Ma-nabat, Mylene Paat, Jia Morado, Rebecca Rivera, Mar-Jana Philips, Sisi Rondina at CJ Rosario.
Marami pang inimbitahan sa try outs kagaya nina UAAP stars Bea De Leon, Isa Molde, Jhoanna Maraguinot, Tots Carlos, Maddie Madayag, Kyle Atienza at Bernadeth Pons at sina Petron stars Mika Reyes, Frances Molina at Rhea Dimaculangan ngunit hindi nakarating dahil sa mga importanting lakad.Pero inaasahan ni De Jesus na darating na lahat sa itinakdang susunod na tryout ngayong Miyerkules.
Pero inaasahan ni De Jesus na darating na lahat sa itinakdang susunod na tryout ngayong Miyerkules.
- Latest