^

PM Sports

Kampeon pa rin si Nietes

Russell Cadayona - Pang-masa
Kampeon pa rin si Nietes
Sapol si Juan Carlos Reveco ng Argentiana kay Donnie ‘Ahas’ Nietes sa kanilang laban kahapon sa California.

MANILA, Philippines — Matapos si Filipino world super flyweight title-holder Jerwin Ancajas, si world flyweight champion Donnie ‘Ahas’ Nie-tes naman ang nagpasikat sa kanyang US debut.

Umiskor si Nietes ng seventh-round knockout victory laban kay dating two-division titlist at mandatory challenger Juan Carlos Reveco ng Argentina kahapon sa ‘SuperFly 2’ sa The Forum sa Inglewood, California.

Nauna nang umiskor si Ancajas (29-1-1, 20 KOs) ng 10th round technical knockout win kontra kay Mexican challenger Israel Gonzalez para patuloy na isuot ang kanyang International Boxing Federation super flyweight title noong Pebrero 4 sa Bank of America Center sa Corpus Christi, Texas.

Napanatili naman ng 35-anyos na si Nietes (41-1-4, 23 KOs) ang kanyang Boxing Federation flyweight crown sa pagpapabagsak sa 30-anyos na si Reveco (39-4-0, 19 KOs).

Hindi pa natatalo ang tubong Murcia, Negros Occidental sapul noong 2004.

“I’m not sure if I’ll stay at this weight or move up. I want the biggest fights possible,” sabi ni Nietes na planong umakyat sa super flyweight category para labanan si dating ‘pound-for-pound’ king Roman ‘Chocolatito’ Gonzales ng Nicaragua na dalawang beses tinalo ni Srisaket Sor Rungvisai ng Thailand para sa World Boxing Council super flyweight belt noong nakaraang taon.

Mula sa opening bell hanggang sa fifth round ay ginamit ni Nietes, nagkampeon sa strawweight, light flyweight at flyweight bago talunin si Komgrich Nantapech ng Thailand para sa bakanteng IBF flyweight title via unanimous decision noong Abril, ang kanyang matutulis na jab laban sa mabagal na si Reveco.

Sa kanilang weigh-in ay nagkaroon si Reveco ng problema sa kanyang timbang na siyang posibleng naging epekto ng kanyang kondisyon sa gabi ng laban nila ni Nietes.

Bago matapos ang sixth round ay nakakonekta si Nietes ng isang short right hand na nagpauga kay Reveco na halos magkrus ang mga paa papunta sa kanyang corner sa pagtunog ng bell.

Sa pagsisimula ng seventh round ay kaagad umatake si Nietes kung saan napatumba niya si Reveco mula sa isang ma-bigat na left hand sa ulo.

Bagama’t nakatayo sa pagbilang ni Eddie Hernandez Sr. ay inihagis na ng corner ng Argentinian challanger ang towel sa huling 53 segundo.

Samantala, nabigo naman si dating world champion Brian ‘The Hawaiin Punch’ Viloria (38-6-0, 23 KO) kay Artem Dalakian (16-0-0, 11 KOs) ng Ukraine via unanimous decision para angkinin ang bakanteng World Boxing Association flyweight title.

DONNIE ‘AHAS’ NIE-TES

JUAN CARLOS REVECO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with