Dismayado si Donaire kay Rigondeaux
MANILA, Philippines — Sumuko si Cuban boxing star Guillermo Rigondeaux sa sixth round sa kanyang paghahamon kay WBO junior lightweight champion Vasyl Lomachenko kahapon sa New York City.
Idinaan sa social media ni dating world five-division titlist Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire, Jr. ang kanyang pagkadismaya sa ginawa ni Rigondeaux, umakyat ng dalawang weight division para labanan ang Ukrainian king.
“Incredible performance from Loma,” wika ni Donaire kay Lomachenko, nagdadala ngayon ng 10-1 win-loss record sa kanyang professional career. “Rigo has ne-ver been in this position where he has been dominated every way.”
Nauna nang tinalo ni Rigondeaux si Donaire noong Abril ng 2013 kung saan siya pinag-laruan ng mas mabilis at mas malakas na Cuban Olympic gold medalist.
Sa kanyang pagsuko kay Lomachenko ay idinahilan ni Rigondeaux ang injury sa kanyang kanang kamay sa second round.
Ngunit para kay Donaire, hindi ito sapat na dahilan para isuko ng isang boksingero ang laban.
“I still can’t understand how a fighter quits,” sabi ni Donaire. “I fought with bloody hands, I fought with numerous fractures, and sometimes, my brain tells me to stop and tells me that I have done enough.”
“But never in my life have I ever quit. You could knock me down, and I’ll at least attempt to get up. But I won’t quit, ever. It is what it is,” dagdag pa ng tubong Talibon, Bohol na nakabase sa United States.
Sa kanyang paghahangad na muling makapagsuot ng world boxing crown ay umiskor si Donaire ng isang unanimous decision victory laban kay Ruben Garcia Hernandez noong Setyembre.
- Latest