^

PM Sports

Pang-5 Milo Marathon title na ni Tabal

Pang-masa

CEBU CITY, Philippines — Hinirang si Mary Joy Tabal bilang kauna-unahang babae na nagreyna sa National MILO Marathon Queen ng limang sunod na taon.

Nagsumite ang Cebuana Olympian at SEA Games gold medalist ng tiyempong 2:58:01 para talunin sina Christabel Martes (3:04:20) at Jho-an Villarma (3:11:26) sa 42-kilometer women’s division ng 41st National Milo Marathon National Finals kahapon na sinimulan sa Cebu Normal University at nagtapos sa Cebu City Sports Complex.

Nakamit ni Tabal ang premyong P150,000 at tropeo at karagdagang P200,000 dahil sa pagiging third placer sa female open category.

Emosyunal na tinawid ni Tabal ang finish line dahil sa pagpanaw ng kanyang amang si Rolando Tabal, Sr. noong Sabado ng umaga.

Sinabi ni Tabal, dumating sa Cebu noong Martes matapos ang kanyang pagsasanay sa Italy, na sa telepono lamang sila nagkausap ng kanyang ama at nakatakda sana silang magkita pagkatapos ang karera.

Samantala, naghari naman si Davaoeño salesman Joerge Andrade sa men’s class sa kanyang oras na 2:39:34 para ungusan sina Erick Panique (2:42:10) at five-time Milo Marathon King at two-time Olympian Eduardo Buenavista (2:43:34).

Tumanggap si Andrade ng premyong P150,000.

Dahil sa pagkakahirang kina Andrade at Tabal bilang Milo King at Queen ay libre silang makakalahok sa isang international marathon sa susunod na taon.

Hindi inaasahan ng 24-anyos na si Andrade na siya ang maghahari sa Milo National Finals.

Sa katunayan ay may itinali siyang P50 sa sintas ng kanyang sapatos bilang pamasahe pagkatapos ng karera.

Umabante siya sa National Finals sa kanyang pagiging second placer sa 21k race sa General Santos City leg.

Ito ang unang pagkakataon na nakasali siya sa Milo Marathon National Finals at ikalawang beses pa lamang tumakbo sa 42K category.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with