^

PM Sports

Pacquiao planong lumaban sa China

Pang-masa

BEIJING -- Inihayag kamakalawa ni Sen. Manny Pacquiao ang kanyang planong lumaban sa China, ngunit hindi niya ibinun-yag kung sino ang kanyang sasagupain at kung kailan ito mangyayari.

Ginawa ito ni Pacquiao sa isang press conference dito sa Heyuan Royal Garden Hotel.

“I hope someday, I will bring my fight to China,” sabi ni Pacquiao. “This is the beginning of a partnership, the start of a relationship to promote professional boxing in China. I’m looking forward to more co-promotions with Dancing Sports not only in Beijing but throughout China.”

Kasama ni Pacquiao na bumiyahe ang kanyang asawang si Jinkee at mula sa airport ay kaagad nakipagkita kina Dancing Sports chairman Vincent Zhou at WBO Asia Pacific chairman Leon Panoncillo.

Nagdaos ang Dancing Sports at MP Promotions ng isang nine-fight boxing card para sa pagsisimula ng Belt and Road World Champion Tour sa isang by-invitation-only event para sa 500 guests.

Bago magsimula ang mga laban ay lumahok si Pacquiao sa isang two-hour forum na inorganisa ng Belt and Road, isang government-owned global infrastructure construction company.

Ang nasabing boxing event ay una sa mga serye ng international sports festivals na ginagamit na instrumento ng Belt and Road sa pagpapatupad ng isang national strategy para sa development at reform.

Nilapitan ng Chinese government si Pacquiao para sa promosyon ng boxing sa Mainland.

Plano ng Dancing Sports na magdaos ng apat hanggang limang boxing cards bawat taon sa iba’t ibang bahagi ng China.

Magdaraos din ang Dancing Sports ng sports festivals para sa marathon, cycling at mind games.

“Boxing is not as popular in China as it is in Southeast Asia, the Middle East and the US,” wika ni Zhou. “We hope with Manny’s assistance, we could make it a growth sport. Our first boxing show was for charity and social development, not a commercial event.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with