Standhardinger, Romeo, Aguilar top performers sa group stage
MANILA, Philippines - Napasama sina Japeth Aguilar, Christian Standhardinger at Terrence Romeo ng Gilas Pilipinas sa mga top individual performers sa group elims stage ng 2017 FIBA Asia Cup.
Hinirang ang 6-foot-8 na si Aguilar bilang No. 1 shot blocker, habang nakabilang ang 6’7 na si Standhardinger sa top 10 sa efficiency at isa si Romeo sa mga leading scorers sa group elims kung saan nanguna ang Gilas, Australia, New Zealand at Iran bilang top seeds sa kani-kanilang mga grupo.
Sumosyo kay Aguilar sa shot blocking honors si Iran center Ali Hameed sa magkatulad nilang 2.7 blocks per game.
Si Gilas top defender Gabe Norwood ay No. 6 sa kanyang 1.7 per outing.
Nagtala naman si Standhardinger ng mga ave-rages na 15.5 points at 6.5 rebounds sa loob ng 23.3 minuto kada laro para pumuwesto sa No. 7 sa efficiency rating sa likod nina Fadi El-Khatib ng Lebanon, Guo Ailun ng China, Mohammad Jamshidi ng Iran, Mitch Creek ng Australia, Hamed Haddadi ng Iran at Kevin Galloway ng Iraq.
Mula naman sa kanyang 17.7 points per game ay tumayo sa No. 6 si Romeo sa scoring ladder sa likod nina El-Khatib (22.3), Guo (22.3), Abdulrahman Saad (20.0) ng Qatar, Tarek Aljabi (18.3) ng Yria at Behnam Yakhchali (18.0) ng Iran.
Sa assists, pumang-anim si reigning two-time Asian Best Point Guard Jayson Castro sa kanyang 5.0 per game sa ilalim nina Haddadi (8.7), Chan Hee Park (7.3) ng Korea, Mah’d Abdeen (7.0) ng Jordan, Galloway (6.3), Brad Newley (6.0) ng Austarlia at William Alhaddad (5.3) ng Syria.
- Latest