^

PM Sports

3-0 puntirya ng Perlas sa pagharap sa Pocari

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines -Target ng Perlas Lady Spikers ang ikatlong panalo sa kanilang paghaharap laban sa Pocari Sweat habang magtatagpo naman ang Power Smashers at Creamline ngayon sa pagpapatuloy ng 2017 Premier Volleyball League Reinforced Conference sa FliOil Fly V Arena.

Tangan ang 2-1 win-loss slate, haharapin ng Perlas ang defending champion Pocari (1-2) sa alas-4:00 ng hapon habang hangad naman ng Power Smashers (1-2) at Creamline (1-1) ang ikalawang panalo sa kanilang pagtutuos sa alas-6:30 ng gabi.

Sa men’s division, hangad din ng Cafe Lupe na makapasok sa win column kontra sa Cignal HD sa  alauna ng hapon.

Naungusan ng Perlas ang Power Smashers sa limang sets, 29-31, 24-26, 25-19, 25-23, 21-19 noong Sabado para masungkit ang ikalawang panalo sa tatlong laban. Ang kanilang unang panalo ay sa Creamline Cool Smashers, 23-25, 25-22, 25-19, 25-21, noong opening day.

Kaya tiyak malakas ang kumpiyansa ng Lady Spikers laban sa reigning titlist Pocari Lady Warriors na galing din sa 25-22, 25-14, 25-22 panalo kontra sa Air Force Lady Jet Spikers noong Sabado at makabangon mula sa talo sa Power Smashers (9-25, 22-25, 21-25) at sa nangungunang BaliPure Water Defenders (23-25, 22-25, 14-25).

Sa iba pang laro, inaasahang pangungunahan ni Alyssa Valdez ang Creamline laban sa Power Smashers nina Jovielyn Prado, Andrea Marzan, Eunice Galang, Dimdim Pacres, Katherine Villegas  at Alina Bicar.

Bukod kay Valdez na humataw na ng 46-hit ave-rage sa dalawang laro, sasandal din ang Creamline  ni coach Tai Bundit kina Coleen Bravo, Jamela Suyat, Elayne Remulla, Pau Soriano, Joyce Palad at Francesca Racraquin para makuha ang ikalawang panalo. Natalo ang Cool Smashers sa Perlas Lady Spikers, 25-23, 22-25, 19-25, 21-25 sa una nilang laro.

 

PERLAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with