Balanse at versatile ang SEABA 12--Chot
MANILA, Philippines - Para kay Gilas Pilipinas coach Chot Reyes, balanse at versatile ang kanyang napiling SEABA 12.
Inihayag ni Reyes noong Biyernes ng gabi ang komposisyon ng Gilas team na lalaban sa Southeast Asian Basketball Association (SEABA) Championship sa May 12-18 sa Smart Araneta Coliseum, matapos talunin ng Gilas ang PBA Luzon team, 122-111 sa Quezon Convention Center.
Matapos ianunsiyo ni Reyes ang unang siyam na players, idinagdag niya sina PBA rookies Matthew Wright, Jio Jalalon at RR Pogoy
“I think it’s very balanced and it’s very versatile. It has size, and it’s a great combinations of rookies and veterans: rookies to the Gilas system, rookies to the PBA, and veterans as well,” sabi ni Reyes.
Mangunguna sa koponan sina 6-foot-10 center June Mar Fajardo, ang three-time reigning PBA MVP, dating two-time FIBA Asia Mythical Five member Jayson Castro at Japeth Aguila na pare-parehong kasama sa koponang naka-silver medal noong 2013 FIBA Asia ditto sa Manila kung saan nakuha ng national team ang slot sa 2014 FIBA World Cup sa Spain sa ilalim ni Reyes.
Kasama sa team ang 6-foot-11 na si Blatche, ang naturalized player ng koponan na nakatakdang dumating anumang araw ngayong linggo.
Ang iba pang pinili ni Reyes ay sina Calvin Abueva, Japeth Aguilar, Raymond Almazan, June Mar Fajardo, Allein Maliksi, Terrence Romeo, Troy Rosario at Jayson Castro mula sa 26-man training pool.
“I didn’t want to call it the final 12 because this is just the SEABA 12. I told the players (that were now picked) to keep working hard because if we win SEABA, we have the FIBA Asia, and then the Southeast Asia n Games and the World Cup qualifiers to look forward to,” sabi ni Reyes.
- Latest