^

PM Sports

Perlas Spikers palaban sa PVL

Pang-masa

MANILA, Philippines -  Sasandal ang baguhang Perlas Lady Spikers sa kumbinasyong pinagsama ang mga bagito at mga beterano sa Premier Volleyball League na magbubukas ngayong Linggo sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Inaasahan ni head coach Jerry Yee na magpapakitang gilas sina Amy Ahomiro, Sue Roces, Dzi Gervacio, Ella de Jesus, Devanadera at Jem Ferrer laban sa malakas na Creamline Cool Smashers ni Alyssa Valdez sa una nilang laro.

Sa pamamagitan din ng dalawang magigiting na imports na sina Ruphia Inck ng Brazil at Naoko Hashimoto ng Japan tiyak ni coach Yee na may mararating ang koponan.

Sa tulong din ni Kat Bersola at Nicole Tiamzon na kakatapos lang ng kanilang playing career sa University of the Philippines Lady Maroons marami rin ang siguradong pahihirapan ng Perlas Lady Spikers. Ang ibang miyembro ng koponan ay sina Mae Tajima at Amanda Villanueva.

“The core of the squad has so much experience and we welcome the addition of Kat and Nicole, they will give this team energy,” sabi ni Yee.

Dumating si Hashimoto noong nakaraang linggo. Siya ay dating miyembro ng Japan national team at naglalaro sa powerhouse Bangkok Glass. Kasama siya sa Japan national team na nanalo ng silver medal sa 2013 Asian Championship na ginanap sa Nakhon Ratchasima, Thailand.

“She is 34 years old and has so much international experience. She can block and she can also hit,” dagdag ni Yee ukol kay 5’8 Hashimoto.

Haharapin ng Perlas Lady Spikers ang tropa ni dating Ateneo star Valdez sa alas-6 ng gabi sa opening sa Linggo.  - FCagape

 

JERRY YEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with