4 gymnastics gold kay Yulo
San Jose, Antique, Philippines – Pinangunahan ng 9-anyos na si Karl Eldrew Yulo ang powerhouse at defending overall champion National Capital Region (NCR) sa apat na gintong medalya sa gymnastics habang ipinaalala ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kahalagahan ng disiplina na gusto niyang ipamana sa mga kabataan sa pagbubukas kahapon sa 60th Palarong Pambansa sa Emilio B. Javier Sports Center-Binirayan Sports Complex dito.
Dumating si Pangulong Duterte alas-4 ng hapon kasama ang kanyang common law wife na si Cielito “Honeylet” Avancena na tubong Iloilo at 11-anyos na anak na si Veronica “Kitty” Duterte.
Pinaalalahanan din ni Pangulong Duterte ang mahigit 12,000 athletes, coaches, trainers at mga opisyales ng Department of Education mula sa 18 rehiyon ang importansiya sa responsible citizenry para sa magandang kinabukasan ng bansa.
“You must be by now have a sense of responsibility. Kayo ‘yung Tatay at Nanay bukas. So we are trying to build values, competitiveness and the spirit of building you good muscles, stamina and well being. You have to build discipline to win. Kailangan ko ‘yang ipasa sa inyo,” sabi ni Pres. Duterte.
Ang iba pang panauhin sa opening rites ay sina Sen. Loren Legarda na tubong Antique, DPWH Sec. Mark Villar, Sec. Roy Cimatu at Philippine Sports Commission chairman William Ramirez at commissioners Ramon Fernandez, Charles Maxey, Arnold Agustin at Celia Kiram.
Si multi-titled Sea Games gold me-dalists Elma Muros-Posadas, ang unang recepient sa Palarong Pambansa Lifetime Achievement Award mismo ang nagsindi sa Cauldron, simbolo ng pagsisimula ng walong araw na paligsahan kasama si Palarong Pambansa tennis player Ma-rian Jade Capadocia at swimmer Goliver Clyde Clemente ng host Antique.
Dalawang araw bago pormal na mag-umpisa ang kumpetisyon, nasungkit naman ni Karl Eldrew Yulo ng NCR ang unang ginto sa 2017 Palarong Pambansa elementary boys artistic gymnastics sa Evilio B. Javier gymnasium.
“Idol ko po si kuya,” sabi ni Karlo na tinutukoy ang kanyang nakakatandang kapatid na si Carlos na isang bronze medalist sa all-around event junior competition ng Mikhael Voronin Cup sa Russia.
Si Yulo na isang fourth grade student ng Aurora Quezon Elementary School ay nagwagi rin sa rule cluster 2 (9-year-old category) sa floor exercises, mushroom at vault events ng individual all-around competition.
Nag-ambag din ang kanyang teammates na sina Joseph Reynaldo at Renz Castillo ng gintong medalya sa team events para sa kabuuang 92.55 puntos. Nakuha ng mga gymnasts mula sa Bicol Region (Region 5) ang silver at ang bronze medal ay napunta sa Socsargen (Region XII).
Ang ibang gold medalists sa NCR sa unang araw ng kumpetisyon ay sina Divina Sembrano at Krystal Mae Maguidato sa kanilang 1-2 finish sa girls secondary individual all-around ng Rhythmic gymnastics sa 113.26 puntos. Pumapangalawa ang Central Visayas sa 100.38 at ikatlo naman ang Bicol Region sa 82.9 puntos.
Ang ibang gold winners ay sina Kia-na Alagaban ng Negros Region sa girls secondary individual all-around event.
Sinabay sa naturang opening cere-monies ang paglunsad ni Postmaster General at Chief Executive Officer Joel L. Otarra sa Philippine Olympic Silver Medalists Stamp nina 1980 Tok-yo Olympic silver medalist Anthony Villanueva, 1996 Atlanta Olympiad silver winner Onyok Velasco at 2016 Rio Olympic silver medalist Hidilyn Diaz.
- Latest