Spurs niresbakan ang Thunder; Warriors giniba ang Rockets
OKLAHOMA CITY — Mabilis matuto ng ka-nilang leksyon ang San Antonio Spurs.
Dalawang araw matapos isuko ang itinayong 22-point lead sa kabiguan sa Golden State Warriors ay nakabangon naman ang Spurs mula sa 21-point deficit para balikan ang Thunder, 100-95.
“It’s a great win,” sabi ni San Antonio guard Manu Ginobili. “We needed one like this. We didn’t play good for 30 minutes of the game, but we bounced back. We were aggressive, we stayed together and we bounced back.”
Humataw si Kawhi Leonard ng 27 points para sa Spurs, naagaw ang kalamangan matapos ang dunk ni LaMarcus Aldridge sa huling 20.7 segun-do ng fourth quarter para sa kanilang 96-95 abante.
Sumalaksak naman si Oklahoma City superstar guard Russell Westbrook ngunit siya ay sinupalpal ni Aldridge.
Matapos ito ay nakumpleto ni Leonard ang kanyang three-point play sa huling 5.8 segundo para selyuhan ang panalo ng San Antonio.
Tumapos si Westbrook na may 32 points, 15 rebounds at 12 assists para sa kanyang ika-39 triple-double sa season.
Dalawang triple-double pa ang kanyang kaila-ngan para mapantayan ang single season record na 41 ni Oscar Robertson na itinala noong 1961-62 season.
“It happens like that sometimes,” ani Westbrook. “Sometimes you don’t win a game. Stick with it. We’ll be all right.”
Sa Houston, nagtayo ng matinding depensa ang Golden State Warriors para palamigin ang mainit na panimula ng Rockets at iposte ang kanilang ika-10 panalo mula sa 107-98 tagumpay.
Hindi pinaabot ng Golden State ang Houston sa 100 points sa unang pagkakataon sa 62 asignatura ng Rockets ngayong season.
Tumipa si Stephen Curry ng 14 points sa third quarter para tulungan ang Warriors na makaba-ngon mula sa 13-point deficit sa Rockets bago nagtuwang ang mga veteran reserves para ihulog ang 9-0 bomba at kunin ang 97-92 bentahe sa 4:18 minuto ng fourth period.
Nagtala naman si Harden ng 17 points mula sa 4-of-18 fieldgoal shooting kasunod ang tig-15 markers nina Eric Gordon at Trevor Ariza para sa Houston (51-25).
Sa Salt Lake City, dumiretso ang Utah Jazz sa kanilang ikatlong dikit na panalo at ipinalasap sa Washington Wizards ang pangalawa nitong sunod na kabiguan nang kunin ang 95-88 tagumpay.
Nagposte si Rudy Gobert ng 16 points at 10 boards para sa ika-47 panalo ng Jazz sa 76 laban.
Kumamada si Gordon Hayward ng 19 points at nag-ambag si Shelvin Mack ng 15 points.
- Latest