^

PM Sports

Kobe Shinwa palaisipan sa PSL teams

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hanggang ngayon palaisipan pa sa mga local teams ang klase ng laro ng Kobe Shinwa Women’s University na kanilang makakalaban sa final round ng Belo-Philippine Superliga (PSL) Invitational Conference simula sa Huwebes sa FilOil Flying V Center sa San Juan City.

Inamin ng mga bete-ranong coaches na sina Shaq Delos Santos ng Petron at George Pascua ng Cignal HD na hindi pa nila nakaliskis ang Japanese team kaya wala pa silang ideya kung papaano ito maglaro sa torneo na sinusuportahan ng Asics, Mikasa, Senoh, Mueller at TV5, ang opis-yal broadcast partner.

Sabi ni Delos Santos,  sinubukan niyang mag-halughog sa online para sana makita ang laro ng naturang koponan ngunit wala siyang natagpuang video.

Ayon naman kay Pascua, nanatiling misteryo pa sa kanya ang uri ng laro ng guest team mula sa Japan.

“All I know is that it plays Japanese brand of volleyball to perfection. Other than that, we have no idea on how they play. We tried looking for any available videos online, but we can’t get anything. I guess, we’ll just work on the scouting when they arrive here on Tuesday,” sabi ni Pascua, na siya ring head coach ng Petron nang makalaban nila ang Japanese powerhouse Hisamitsu Springs sa  AVC Asian Women’s Club Championship na ginanap sa Phu Ly, Vietnam noong 2015.

Kahit ang Serbian coach na si Moro Bra-nislav ng Foton ay inamin din na malaking hamon para sa kanyang koponan ang paghaharap nila laban sa Kobe Shinwa.

Hindi pa makalaro ang spiker na si Dindin Manabat dahil nakitaan ng sustained  grade 2 MCL sprain at partial ACL tear ng kanyang kaliwang tuhod sa laro nila laban sa Sta. Lucia  noong nakaraang linggo.

Makakaharap ng Foton ang Kobe Shinwa sa Huwebes at makakalaban ng Cignal sa Biyernes bago sa labanan ng na-ngungunang Petron sa Sabado sa final round ng torneo na sinusuportahan din ng UCPB Gen bilang insu-rance provider at Gold’s Gym bilang opisyal fitness partner.

“This is a very big problem for Foton.  Although I know that this Japanese team from Kobe is very good, I have no idea on how it plays. Let’s see what will happen. We will do our best to beat them,” sabi ni Branislav.

Sabi naman ni Pascua na kailangan niya ang kanyang mga beterano para talunin ang Japanese team.

KOBE SHINWA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with