^

PM Sports

Clippers pasok sa playoffs

Pang-masa

LOS ANGELES - Umiskor si Jamal Crawford ng 28 points mula sa bench para tulungan ang Clippers na gibain ang Utah Jazz, 108-95 at makasikwat ng playoff berth sa ikaanim na sunod na taon.

Hinabol ng Clippers ang Jazz ng kalahating laro sa kanilang agawan para sa No. 4 playoff seed sa West.

Nagdagdag si Blake Griffin ng 15 points kasunod ang 14 markers ni Chris Paul habang kumalawit si center DeAndre Jordan ng 15 rebounds para sa Clippers, naisuko ang itinayong 16-point lead sa third period.

Nakabangon ang Clippers mula sa naunang kabiguan sa Dallas Mavericks para ilista ang kanilang ika-44 panalo sa 74 laro.

Tumapos naman si Rudy Gobert na may 26 points at 14 rebounds para sa Utah, samantalang nagdagdag si reserve Joe Johnson ng 17 points.

Ito ang ikaapat na kabiguan ng Jazz sa huli nilang limang laro.

Sa New York, tumipa si Kawhi Leonard ng 29 points habang nagtala sina LaMarcus Aldridge at Pau Gasol ng tig-19 markers para akayin ang San Antonio Spurs sa 108-96 panalo laban sa Knicks.

Ito ang ikaapat na sunod na panalo ng Spurs.

Nagtala ang San Antonio ng 18-point lead sa third quarter bago ito naputol ng New York sa apat sa likod ng 22 points ni Willy Hernangomez.

Ang dalawang free throws ni Kristaps Porzingis ang nagdikit sa Knicks sa 80-83 agwat sa 9:11 minuto ng final period bago pamunuan ni Patty Mills ang 13-4 atake ng Spurs para sa kanilang 96-84 abante.

Umiskor din si Derrick Rose ng 22 points at may 19 markers si Mindaugas Kuzminskas para sa New York.

Hindi nakalaro si Carmelo Anthony dahil sa pananakit ng kanyang kaliwang tuhod.

JAMAL CRAWFORD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with